Unang virtual concert ni Belle, aabangan sa Enero
Makulay ang tunog ng debut album na “
daylight” ng teen sensation na si Belle Mariano na inilabas ng Star Pop label ng ABS-CBN at napapakinggan na ngayon sa iba’t ibang digital music platforms.
Mula sa tagumpay ng hit single niyang “Sigurado” na ngayon ay may halos 12 milyong streams na sa Spotify at mahigit 5.8 milyong music video views, mas makikilala pa si Belle bilang pinakabagong pop-alternative sweetheart na maipagmamalaki ang malamig niyang boses sa bawat kantang inaawit niya.
Bukod sa “Sigurado,” kasama rin sa “daylight” ang anim pang orihinal na kanta na magaang pakinggan. Lahat ng kanta sa album ay ipinrodyus ni Star Pop head Rox Santos at ang ilang mga kanta rito ay sinulat pa ng mga kapwa young artist ni Belle mula sa ABS-CBN.
Kasama rito ang “Rainy Days” na isinulat ni SAB, “For Your Eyes Only” na isinulat ni Trisha Denise, at “Rise” na komposisyon ni Jayda. Mapapakinggan din sa album ang mga awiting “Tanging Dahilan” na isinulat ni Gab Tagadtad, “With You,” at “Nights of December.”
Simula nang bumida sa coming-of-age romcom series na “He’s Into Her” ngayong 2021, nagtuloy-tuloy na ang tagumpay ni Belle sa kanyang career. Ngayong Disyembre, bibida siya uli sa bagong Star Cinema film na “Love Is Color Blind” kasama ang onscreen partner niyang si Donny Pangilinan.
Dapat ding abangan ang kauna-unahang virtual concert ng Kapamilya star sa Enero 29, 2022 handog ng ABS-CBN Events at Star Pop. Mabibili na ang tickets sa “DAYLIGHT: The Concert” sa KTX.
Samahan si Belle sa kanyang musical journey at pakinggan ang “daylight” album, sa Spotify, Apple Music, iTunes, Amazon Music, Deezer, at iba pang
digital music services. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (
www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).