News Releases

English | Tagalog

Angelica, babalik sa paghahanap ng anak sa "Walang Hanggang Paalam"

February 11, 2021 AT 12 : 56 PM

What’s next in Celine and Emman’s ongoing saga to find justice for their son?

Muling sisimulan ni Celine (Angelica Panganiban) ang paghahanap sa anak nila ni Emman (Paulo Avelino) matapos manumbalik ang pag-asa sa puso niyang maaaring buhay pa ito sa Kapamilya teleseryeng “Walang Hanggang Paalam.”
 
Bumaliktad ang mundo ni Celine dahil sa resulta ng isang test na nagpakitang hindi nagtugma ang DNA sample nila ni Emman sa DNA profile ng puso na nasa dibdib ni Lester, ang anak ni Amelia (Cherry Pie Picache), kaya imposibleng puso ito ng anak nilang si Robbie.
 
Sa kabila naman nito, patuloy na magkukunwari si Celine na mahal niya ang kasintahang si Anton (Zanjoe Marudo) habang pinaplano nila ang kanilang kasal. Ngunit wala namang kamalay-malay si Celine na abala si Anton sa pagbabalik ng operasyon ng iligal na organ trafficking business ng kanilang pamilya.
 
Kung kumbinsido si Celine na buhay pa si Robbie, pagdududahan ni Emman ang resulta ng DNA test at patuloy na iimbestigahan ang pamilya nina Anton at Amelia.
 
Nasaan na nga kaya si Robbie kung hindi niya puso ang nasa dibdib ni Lester? Ano ang mga susunod na hakbang nina Celine at Emman sa patuloy na paghahanap nila ng katotohanan at hustisya?
 
Panoorin ang “Walang Hanggang Paalam” sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.
 
Mapapanood pa rin ito sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD  at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring tumutok sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel at IPTV.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.