News Releases

English | Tagalog

Sampalang Heaven at Barbie, mangyayari na!

February 24, 2021 AT 02 : 43 PM

Susugurin na ni Tisay (Heaven Peralejo) si Cai (Barbie Imperial) matapos malamang nakipagsabwatan ito kay Diana (Glydel Mercado) para ilabas ang peke at eskandalosong mga larawan sa social media ngayong Biyernes (Pebrero 26) sa "Bagong Umaga.” 

 

Sa tulong ni Otep (Kiko Estrada), mapapaamin nina Ian (Cris Villanueva) at Ely (Tony Labrusca) ang may-ari ng troll farm na ginamit sila muli ni Diana para siraan si Tisay. Magugulat sila na pati si Cai ay kasangkot dito.  

 

Samantala, natakot si Monica (Nikki Valdez) na mawala sa kanila nang tuluyan si Tisay dahil sa pagtanggap nito sa alok ni Ian na i-donate ang sariling kidney sa kanya. “’Yan si Ian Veradona, hindi tumutulong nang walang kapalit,” sambit ni Monica kay Jose (Kempee de Leon).  

 

“Natatakot ka ba na gamitin nila si Tisay o natatakot ka na baka mahalin sila ni Tisay dahil dito?” sagot naman ni Jose sa asawa. 

 

Matauhan kaya si Cai matapos ang kanilang kumprontasyon? Matutunan kayang tanggapin ni Monica ang tulong ni Ian? 

 

Huwag palampasin ang ang mga susunod na tagpo sa “Bagong Umaga,” na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 2:30 PM sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).   

 

Available din ito sa A2Z channel 11, na   mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Maaari rin itong mapanood sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa.   

  

Ito rin ay na sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWant app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.   

 

  

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom