News Releases

English | Tagalog

Mga visual artists, bibigyang pugay ngayong Linggo sa "Iba Yan"

February 27, 2021 AT 01 : 52 PM

Kilala ang Baguio para sa iba’t ibang sining tulad ng iskultura at pagpipinta, ngunit isang uri ng sining ang nagbibigay kulay sa mga kalsada nito, ang mural arts.  

 

Ngayong Linggo (Pebrero 28) bibigyang-pugay nina Angel Locsin at ng "Iba Yan" ang mga tao sa likod nito.  

  

Isa sa makikilala ng mga manonood ay si Venazir Martinez, isang visual artist at Cordilleran culture advocate. Hindi man ipinanganak sa Baguio, napamahal na sa kanya ang lugar kaya naman nanatili na siya rito para isulong ang mural art para mas makilala pa ang kultura ng mga taga Cordillera.   

  

  

Bukod kay Venazir , makakausap din ni Angel si Angie Rosalin na buong tapang na niyakap ang tawag ng sining sa kabila ng hirap sa buhay at pati na rin si Jherwin Libatique, isang artist sa Igorot Tribe na nagsusulong din ng kanilang kultura gamit ang galing niya sa pagguhit.   

  

Alamin kung paano sila nagpupursige para palaguin pa ang mural art sa Baguio at kung anong tulong ang iniabot ng “Iba ‘Yan para matulungan sila sa marangal na adhikaing ito.   

  

Huwag kalimutang paoorin ang “Iba Yan” tuwing Linggo, 6:30 PM sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live, samantalang 6:30 PM naman sa A2Z Channel.    

  

Sundan ang “Iba Yan!” sa facebook.com/IbaYanPH, twitter.com/ibayanph, at instagram.com/ibayanph. Maaari rin mag-join sa Facebook Community Group ng “Iba ‘Yan”: facebook.com/groups/ibaYanPH/