Kim, a Cebu native, also wrote the additional Visayan lyrics of the track that conveys a positive message about enjoying life like a party.
Sa pagdiriwang ng kanyang ika-15 taon sa showbiz…
Nakatakda nang ilunsad ni Kim Chiu ang bago niyang single na “KIMMI” sa Biyernes (April 30) bilang selebrasyon ng ika-15 taon niya sa showbiz.
Mala-party anthem ang kanta na handog ng Star Pop label ng ABS-CBN.
Nag-post pa ang Chinita Princess ng picture niya habang nasa recording studio at tinanong ang mga ‘classmates’ niya kung ano ba ang pwedeng gawin ngayong bawal pa ring lumabas dahil sa pandemya.
Isinulat at ipinrodyus ng DJ ng “It’s Showtime” na si DJ M.O.D. ang “KIMMI” na tunay ngang may nakakaindak na tunog.
Nagsulat din si Kim na isang Cebuana ng dagdag na lyrics sa Bisaya para sa kanta na nagpapaalalang dapat enjoy-in ang buhay na para bang isa itong party. Pwedeng-pwede ring pasikatin ng ‘Dancefloor Princess’ ang “KIMMI” bilang pinakabagong dance anthem.
Bukod sa viral feel-good single niyang “Bawal Lumabas (The Classroom Song),” ini-release din ng Kapamilya actress at host ang birthday single niyang “’Wag Kang Bumitaw” noong 2020.
Simulan na ang house party at sumayaw sa tunog ng “KIMMI” na mapapakinggan na sa iba’t ibang
digital music platforms simula Biyernes (April 30)! Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (
www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).