News Releases

English | Tagalog

Bea at John Lloyd, magpapakilig muli sa digitally restored 'Miss You Like Crazy' sa KTX

June 18, 2021 AT 05 : 18 PM

Tickets are now available at http://bit.ly/MYLConKTX, priced at only P150

Abangan sa pre-show nito sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz

Magpapakilig muli ang tambalan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz dahil inihahandog ng ABS-CBN Film Restoration ang restored version ng 2010 box office hit ng Star Cinema na "Miss You Like Crazy" simula Hunyo 29 (Martes), 7:30 PM sa Sagip Pelikula Festival ng KTX. 

   

Tampok sina Bea at John Lloyd bilang Mia at Alan at ang kanilang love story na inabot ng limang taon at dalawang bansa. Si Alan ay may halos perpektong trabaho at relasyon habang si Mia naman ay laging may problema sa pamilya. Magkaiba man ang tinatahak na landas, mag-iiba ito bigla nang magkita ang dalawa sa isang ferry boat.     

Sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina at panulat nina Vanessa Valdez, Tey Clamor, at Juan Miguel Sevilla, tampok din sa nasabing pelikula sina Maricar Reyes, Sylvia Sanchez, Jun Urbano, Ryan Eigenmann, Ina Feleo, Sid Lucero, Malou De Guzman, Ketchup Eusebio, Dianne Medina, Bembol Roco, Tirso Cruz III, Noel Trinidad, Hans Isaac, at marami pang iba.    

Abangan ang pre-show nito na tampok sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz kasama sina Direk Cathy Garcia-Molina at ang manunulat nitong si Vanessa Valdez. Mabibili na ang mga ticket nito sa http://bit.ly/MYLConKTX sa halagang P150.  

Maliban sa "Miss You Like Crazy," mapapanood din sa Sagip Pelikula Festival ang iba pang restored hits ni John Lloyd, tulad ng including "One More Chance," "In My Life," "Dubai," at "The Mistress" simula Hunyo 30 (Miyerkules). 

Patuloy ang adhikain ng ABS-CBN Film Restoration at ang proyekto nitong Sagip Pelikula na ibalik ang dating ganda ng mga klasikong pelikulang Pilipino. Dahil dito, kinilala na ng ilang award-giving body ang inisyatibo nito, tulad nalang ng makatanggap ito ng Gold Quill award mula sa International Association of Business Communicators (IABC), at ng Gawad Pedro Bucaneg mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL).    

Para sa updates tungkol sa ABS-CBN Film Restoration at sa "Sagip Pelikula," i-follow sila sa Facebook (fb.com/filmrestorationabscbn), Twitter (@ABS_Restoration), at Instagram (@abscbnfilmrestoration).