Kanishia's “Never Feel Pretty” pop track highlights the big difference between self-empowerment and bullying.
Kantang kumuha ng lakas mula sa mga insecure at nambubully ng iba
May bwelta sa mga bully na mahilig mangutya ng iba ang Star Pop talent na si Kanishia sa bago niyang single na “
Never Feel Pretty.”
Mensahe ng kanta na malaki ang kaibahan ng pagiging ‘self-empowered’ at pambu-bully ng iba, at ibinibida rin ang halaga ng pagkakaroon ng magandang panlabas at panloob na anyo.
Ani Kanishia, inspired ang kanta sa mga ‘vain’ at ‘insecure’ na palaging ibinababa ang iba. “Pwede nilang pagandahin ang sarili nila sa pisikal pero hangga’t masama ang asal nila sa ibang tao, hindi talaga sila magiging tunay na maganda.”
Bagong kolaborasyon ito ni Kanishia sa singer-songwriter na si Marion Aunor, na siya ring sumulat at nag-compose ng debut single niyang “
A Little Taste of Danger.” Ang mga producer nitong si Jack Rufo at ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo rin ulit ang nag-produce ng pinakabago niyang kanta.
Bilib naman ang ilang YouTube netizens sa “Never Feel Pretty” dahil tunog-international daw ito. “Woah it’s actually a bop! Tunog parang international singer. Nice,” comment ni Bryan.
“Maganda siya, parang international tunugan,” dagdag ni JocelynG.
Si Kanishia ay 20-anyos na artist ng Star Pop na marunong umarte, kumanta, at sumayaw mula sa experience niya simula pa noong bata siya at sa pagsali niya sa mga school theater productions. Inilabas niya noong 2020 ang debut single niyang “A Little Taste of Danger.”
Ilabas ang inner beauty at pakinggan ang “
Never Feel Pretty” ni Kanishia sa Spotify, Apple Music, Amazon Music, at iba pang digital music streaming services. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (
www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).