J Scott's “Grown Up Man” offers a chill vibe that’s in stark contrast with its lyrics about being more mature and ready for commitment in relationships.
Tungkol sa pagiging “Grown Up Man” sa isang relasyon
Mula sa pagiging kumu streamer, pinasok na rin ng bagong talent na si J Scott ang mundo ng recording sa debut single niyang “
Grown Up Man,” na ini-release ng Old School Records ng ABS-CBN.
Baguhan lang sa music scene si J Scott na nadiskubre mismo ni Old School Records label head Kikx Salazar mula sa isang live streaming session niya sa Pinoy community platform na kumu.
“At first hindi ko siya kilala, tapos sabi niya kantahin ko raw ‘yung ‘Akin Ka Na Lang,’ go lang ako nang go kahit mataas, sinubukan ko. Tapos sabi niya tingnan ko raw sino ang nag-compose, nagkagulutan kami. Dun na nag-start, sabi niya collab tayo soon, tapos nagtuloy tuloy na,” aniya sa isang MYXclusive interview.
Maipapamalas niya ang artistry niya pati na ang candy pop music na sikat noong 2000s sa ilalim ng Old School Records, na layuning gumawa ng mga kantang nagbabalik ng mga dating tunog ng musika at maka-discover ng bagong talents.
Ang single na “Grown Up Man” ay isinulat at kinompose mismo ng label head na si Kikx kasama si Theo Mortel. Meron itong chill vibe sa kabila ng seryosong tema tungkol sa pagiging mas mature at pagiging ready na mag-commit sa isang relasyon.
“It's about sa isang tao na hindi sanay mag-commit, masyadong takot pumasok sa isang relasyon. One day, nakita niya 'yung isang tao na nagpabago ng isip niya para maging seryoso na siya,” paliwanag ng singer.
Samantala, binati naman si J Scott ng mga nakarinig na ng kanta niya sa YouTube. “Ganda bro! I just listened to it. More success to you,” comment ni Jake Seneres.
“Ganda ng music… Love you Jason Scott,” ani tinsk algabz.
Kahit na newbie pa, nagsimula na rin si J Scott na magkaroon ng solid presence sa social media sites gaya ng
TikTok (58.8K followers) at
kumu (16.88K followers).
Pakinggan ang single ni J Scott na “Grown Up Man” sa iba’t ibang
digital music services. Para sa iba pang detalye, sundan ang Old School Records sa
Facebook,
Twitter, at
Instagram.