The latest rendition was a product of popular demand, especially since the original version has so far garnered a combined total of 11 million views on YouTube for its lyric and music videos and 17.3 million plays on Spotify.
Pagkatapos pumatok sa mga netizens
Inilabas na ng rising TikTok star na si Angela Ken ang English version ng kanyang hit single na “Ako Naman Muna.”
Sinusundan ng “
Ako Naman Muna (English Version)” ang sorpresang tagumpay ng original song na inilabas lamang noong Marso sa ilalim ng Star Music. Sa kasalukuyan ay meron na itong pinagsamang 11 million views sa YouTube para sa lyric at music videos nito at 17.3 million plays sa Spotify, dahilan kung bakit nakamit ng awitin ang numero unong spot sa “Viral 50 Philippines” at “Viral 50 Global” playlists nito.
Pero hindi lang sa views at plays makikita ang tagumpay ng kanta kungdi pati na rin sa dami ng covers at reaction videos na ginawa ng mga netizens gamit ang musika nito.
Base naman sa lyrics nito, tungkol ang “Ako Naman Muna” sa pagnanais unahin ang sarili sa panahon ng pandemya. Swak din ang folk-pop acoustics nito lalo na sa parte ng chorus na talaga namang patok sa Gen Z followers ni Angela.
“Ako Naman Muna’ is about self-love and self-appreciation. Kasi po ngayon, nalalamon tayo ng lungkot at problema dahil po sa pandemya,” aniya.
Isa pang rising ABS-CBN Music artist na si SAB ang tumulong kay Angela para i-adapt ang lyrics ng hit song sa English language. Gamit ang bagong adaptation, susubukang abutin ng mensahe nito ang mas marami pang music listeners.
Nadiskubre ang bagong teen singing sensation ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo noong nilabas niya ang hindi pa tapos na version ng “Ako Naman Muna” sa TikTok noong November 2020. Kamakailan ay pumirma na rin siya ng kontrata sa Star Magic at ngayon ay bahagi na ng The Squad+ barkada.
Unahin ang sarili at pakinggan ang “
Ako Naman Muna (English Version)” sa Spotify, Apple Music, at Deezer, at panoorin ang lyric video nito sa
Star Music YouTube channel. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (
www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).