The song, released under Star Music, lyrically captures the emotions of someone who has reached her breaking point with a manipulative cheater.
FANA, tinawanan ang mga manloloko
Lutang na lutang ang talento sa pagkanta ng “Idol Philippines” finalist na si FANA sa debut single niyang “
Tawa-Tawa,” na may matapang na mensahe para sa mga manloloko.
Tema ng lyrics ng kanta ang pagkamulat ng isang tao sa pagma-manipula sa kanya ng isang karelasyon. Ipinapakita rin dito kung paanong ang isang negatibong karanasan ay naging paraan para maging ‘empowered’ ang isang tao na nagagawa na lang tawanan ang mga pinagdaanan niya.
Ibinibida ng 21-anyos na singer ang nakakabilib niyang harmonies at kakaibang charisma sa “Tawa-Tawa,” na isinulat nina KIKX Salazar at ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo, na siya ring nag-prodyus nito.
Bago sumali sa “Idol PH” noong 2019, unang nag-audition si FANA sa “The Voice Teens” season 1 noong 2017 kung saan nakaabot siya sa ‘Knockouts’ round sa ilalim ng Team Sarah. Nito lang Pebrero, naging guest din siya sa “Hearts on Fire” digital concert nina Jed Madela at Juris.
Naging interpreter din si FANA sa HIMIG 11th edition ng ABS-CBN, kung saan kinanta niya ang mental health advocacy track ni Erica Sabalboro na “Out.” Regular din siyang nags-stream sa kumu (@fatimalouise).
Iwanan na ang mga manloloko at pakinggan ang debut single ni FANA na “Tawa-Tawa” sa
iba't ibang music apps. Sundan si FANA sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
YouTube, at
TikTok. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (
www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).