News Releases

English | Tagalog

Knowledge Channel videos, mapapanood na rin sa theAsianparent Philippines app

September 10, 2021 AT 04 : 08 PM

To access video lessons from Knowledge Channel on theAsianparent Philippines, download its official app on the Apple App Store or Google Play Store, or visit its official website at ph.theasianparent.com

Para lalung palakasin ang distance learning sa gitna ng pandemya

Maaari nang mapanood ng users ng theAsianparent Philippines app ang mga masasayang educational videos kasama ang mga anak nila sa kani-kanilang mga tahanan matapos makipag-ugnayan ang Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) sa nangungunang content platform at komunidad ng mga magulang sa buong Timog-Silangang Asya, ang theAsianparent, na mas pinaigting pa ang misyon nitong palakasin ang distance learning sa bansa ngayong pandemya.   

Nasa 40 videos ang inihanda ng Knowledge Channel para sa mga batang nasa preschool hanggang unang baitang, kabilang ang ilang clip mula sa children's show "ATBP," at shorts nitong "Musikantahan" at "Kwentoons" na mapapanood sa theAsianparent Philippines app at website.     

Kilala ang theAsianparent Philippines bilang isa sa mga pinakamabilis lumago at pinakamalaking online parenting community sa Pilipinas, na may mahigit 3 milyong visits at 12 milyong unique page views kada buwan, 880,000 na magulang sa parenting network nito at may mahigit 900,000 app downloads—na layong umagapay sa mga magulang sa pagbuo ng kanilang pamilya at umalalay sa paglaki ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng mga content nito.   

"This partnership with theAsianparent is very timely for several reasons. The parents have now become the teachers at home while children and teachers are unable to return to face-to-face classes. There is also an urgent need to support early childhood education that has been a little bit neglected and is certainly feeling the effects of the pandemic," saad ng Director of Operations ng KCFI na si Edric Calma sa virtual contract signing event.   

"There is an ongoing shift towards traditional learning. theAsianparent is the perfect partner for KCFI in addressing these challenges. I believe that our parents need to have more access points in downloading and using our video lessons aside from our usual on-air, online, and offline platforms. While daycare centers are closed, your app can serve as a way for young kids to continue learning from their homes with their parents," dagdag ni Calma.   

Para naman sa theAsianparent Philippines General Manager na si Frances Ang, angkop din ang pakikipag-ugnayan nito sa KCFI hindi lamang para mapalawak ang coverage nito, kundi pati na rin makiisa sa adhikaing umagapay sa pagbibigay ng magandang kinabukasan sa mga batang Pilipino.   

"Together, we will be able to reach out to more Filipino families through our content and our multiple platforms. In this unprecedented time, access to high-quality education is a big challenge to all families, given that face-to-face learning has to be put on hold. Our goal through this partnership is to be able to supplement and make these learning sessions more accessible for every Filipino child," pahayag ni Ang.     

Aniya, sa pamamagitan ng theAsianparent Philippines app, makapanonood ang mga bata ng mga nakaaaliw na educational videos nang ad-free.   

Para mapanood ang mga video lesson ng Knowledge Channel sa theAsianparent Philippines, i-download lamang ang official app nito sa Apple App Store o sa Google Play Store o gamit ang link na ito https://theasianparent.page.link/kchxTAP. Maaari ring magtungo sa website nitong ph.theasianparent.com.   

Bisitahin din ang knowledgechannel.org para sa karagdagang educational materials at mga updates patungkol sa Knowledge Channel.