News Releases

English | Tagalog

Lovi Poe Kapamilya na, pumirma ng kontrata sa ABS-CBN

September 16, 2021 AT 08 : 36 AM

ABS-CBN has revealed its new precious jewel, the multi-talented artist and showbiz royalty Lovi Poe.

Nakauwi na sa bago niyang tahanan ang tinaguriang “precious jewel” ng ABS-CBN matapos pumirma ng kontrata ang award-winning actress at showbiz royalty na si Lovi Poe kasama ang Kapamilya executives noong Huwebes (Setyembre 16).
 
Enggrande ang pa-red carpet welcome kay Lovi sa mismong ABS-CBN compound, kung saan siya sinalubong nina ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, COO of broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN group CFO Rick Tan, at Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal. Dumalo rin sa contract signing ceremony ni Lovi ang talent manager niyang si Leo Dominguez.
 
Nakatakdang gawin ni Lovi ang unang Kapamilya drama series niya kasama ang natatanging ultimate heartthrob na si Piolo Pascual. Ito ay matapos bumida ni Lovi sa unang ABS-CBN project niya, ang 2020 iWantTFC original movie na “Malaya” na nagbigay sa kanya ng Gawad Urian Best Actress nomination.
 
Subok na ang pambihirang ganda at talento ni Lovi sa iba’t ibang projects, mapa-pelikula o telebisyon man, hanggang sa modeling at pagiging recording artist niya. Kaya naman masasaksihan ang iba’t ibang talento ni Lovi sa ABS-CBN na gumagawa ng mga palabas, pelikula, musika, digital show, at concert sa TV at sa digital.
 
Sa 15 taon niya sa industriya, nagwagi na si Lovi ng Best Actress trophies mula sa FAMAS Awards at Cinemalaya Independent Film Festival. Maituturing ding fashion at style icon si Lovi dahil sa pagiging suki niya sa maraming magazine covers sa loob at labas ng bansa. Isa rin siya sa pinaka-pinagkakatiwalaang brand endorsers sa bansa na may higit sa 11 milyong followers sa personal social media pages niya.
 
Sa pagtuloy niya bilang isang Kapamilya sa bagong kabanata ng kanyang career, mas marami ring international projects ang gagawin ni Lovi.
 
Ngayong taon, inilunsad ni Lovi ang recording career niya sa US at naglabas ng mga awiting “Candy,” “Lost,” at “Under” sa ilalim ng VIM Entertainment sa Los Angeles. Malapit na rin niyang i-release ang EP niya sa tulong ng American producers na sina Bob Robinson, KrisKeyz, at Grammy winner na si Omen.
 
Bibida rin si Lovi sa unang Hollywood movie niya kasama ang British stars na sina Alex Pettyfer at Poppy Delevingne, ang “The Chelsea Cowboy,” kung saan gaganap siya bilang ang English singer at icon na si Dana Gillespie.