News Releases

English | Tagalog

Star Magic artists, dinaan sa TikTok ang paghikayat sa mga Pilipino na magparehistro

September 17, 2021 AT 05 : 57 PM

Star Magic artists are joining forces to encourage Filipinos, especially the youth, to register and vote in 2022 for the country’s future. Check the social media accounts of Star Magic voter registration ambassadors to know more about the importance of voting in nation-building.

Ilang Kapamilya stars, rehistrado na bago ang Sept 30 deadline ng Comelec 

Sa nalalapit na deadline ng voter registration sa Setyembre 30, itinodo na ng Star Magic artists ang paghihikayat sa mga Pilipino na magparehistro at bumoto sa Halalan 2022 bilang ambassadors ng kampanya ng Bayan Mo, iPatrol Mo (BMPM) ng ABS-CBN. 

Sa TikTok nagbigay ng impormasyon tungkol sa requirements para makapag-rehistro, at kung saan pwedeng magpa-register sina Edward Barber, Anji Salvacion, at Heaven Peralejo.  

Idinaan naman ni Pepe Herrera sa isang video sa kanyang social media account ang kung gaano kadali at kabilis magparehistro sa Comelec.  

Sina Aya Fernandez at Robi Domingo naman, nagbahagi kung papaano pumili ng ibobotong kandidato sa ginanap na "Botante Ako! A Voter's Education Forum" ng Biliran Province State University na isa sa partner schools ng BMPM. 

Nagkaroon din ng voter’s education forum sina Robi, Aya, at Ria Atayde sa Holy Angel University sa Angeles, Pampanga. Abangan ang iba pang virtual events na dadaluhan ng Star Magic artists sa susunod na mga araw. 

Samantala, certified registered voters na rin ang ilan pang Kapamilya stars para magpakita ng mabuting ehemplo sa kanilang fans paraan nila na manghikayat sa mga Pilipino.    

Kabilang sa listahan ng botante sina Janine Berdin, Miles Ocampo, Pepe, Turs Daza, Empress Schuck, Karl Gabriel, Arabella del Rosario, CK Kieron, Zeppi Borromeo, Alora Sasam, Sandino Martin, Nyoy Volante, at Erich Gonzales.   

“Minsan iniisip natin, ‘yung isang boto natin hindi nagma-matter, pero kapag pinagsama-sama natin ‘yun lahat, ‘dun natin malalaman kung gaano ka-powerful ‘yung boses natin,” ani Miles sa panayam ng ABS-CBN News.  

Nagkaroon din ng “fill out party” ang BMPM kasama ang Kapamilya artists at empleyado, kung saan tinuruan sila ng Comelec tungkol sa tamang proseso sa pagpapa-rehistro.    

Layon nilang lahat na hikayatin ang kabataan na magparehistro at bumoto para sa kinabukasan ng bansa. Bisitahin lamang ang social media accounts ng bawat Star Magic voter registration ambassador upang matuto pa tungkol sa kahalagahan ng pagboto.   

Para sa karagdagang detalye, i-follow ang Bayan Mo, iPatrol Mo sa Facebook (@bayanmoipatrolmo), Instagram (@bayanmoipatrolmo), at Twitter (@bayanmo). Para sa ibang balita, i-follow ang ABS-CBNPR sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram (@abscbnpr) o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.