News Releases

English | Tagalog

Mga teleserye ni Erich, namamayagpag sa Africa at French territories

October 26, 2022 AT 10 : 20 AM

Apart from these recent feats, ABS-CBN continues making waves in global content distribution by bringing world-class Filipino content of all genres to foreign audiences in over 50 territories worldwide

Tampok ang 'La Vida Lena' at 'The Blood Sisters'

Ang bongga ni Erich Gonzales. Dalawang teleserye niya ay napapanood na sa iba't ibang bansa. Hatid muli ng ABS-CBN sa mga masusugid na manonood sa ibang bansa ang ilan pang de-kalibre nitong teleserye, tampok ang mga programa nitong "La Vida Lena" at "The Blood Sisters" na pinagbidahan ni Erich.

Matapos unang ipalabas ang "FPJ's Ang Probinsyano," "Sandugo," "Bagong Umaga," at iba pa, palabas na rin ngayon ang English-dubbed version ng revenge-serye nitong "La Vida Lena" sa StarTimes Channel sa Sub-Saharan Africa, kabilang ang South Africa, Kenya, at Zambia.

Unang ipinalabas sa Pinas sa iWantTFC, Kapamilya Channel, A2Z, at TV5, tampok sa serye ang kwento ni Magda/Lena (Erich) at ang kanyang paghihiganti kontra sa angkan ng mga Narciso matapos nakawin ang kanyang pinaghirapang negosyo at sirain ang kanyang tanging pamilya.

Samantala, napapanood na rin ang French-dubbed version ng kanyang 2018 teleserye na "The Blood Sisters" sa France TV sa iba't ibang French territories tulad ng New Caledonia, Wallis and Futuna, Polynesia, at Reunion Island.

Hatid naman ng serye ang tatlong magkakambal na pinaghiwalay matapos ipanganak, pero ipagbubuklod muli ng tadhana ilang taon ang makalipas. Iba-iba man ang kanilang mga ambisyon at ang buhay na kanilang tinatahak, dito masusubok ang katatagan ng tatlo bilang magkakapatid.

Hanggang ngayon, kinikilala ang ABS-CBN sa paghahatid ng mga de-kalidad nitong mga teleserye, pelikula, at iba pang programa sa iba't ibang dako ng mundo, kung saan nakapagbenta ito ng mahigit 50,000 hours ng content sa higit 50 na bansa abroad. Isa na rito ang naging kasunduan nito kamakailan sa Warner Bros. Discovery para ipalabas ang ilang lifestyle shows nito sa Asya.

Ilan din sa mga teleserye nitong umere abroad ay ang "FPJ's Ang Probinsyano," "Sandugo," at "Bagong Umaga" sa Africa, ang 2015 remake ng "Pangako Sa'Yo" sa Latin America, at "Huwag Kang Mangamba" sa Myanmar. Samantala, ang mga serye nitong "Hanggang Saan" at "The Good Son" ay nagkaroon ng sari-sariling drama adaptations sa Turkey.

Bisitahin lamang ang https://www.abs-cbn.com/internationalsales/about para sa karagdagang detalye patungkol sa ABS-CBN International Distribution.