News Releases

English | Tagalog

"Flower of Evil" mapapanood na sa Primetime Bida simula Nobyembre 7

October 27, 2022 AT 09 : 23 AM

Mapapanood na sa TV5 gabi-gabi ng 9:30 PM

Gabi-gabi nang panggigigilan ang seryeng “Flower of Evil” nina Piolo Pascual, Lovi Poe, at Paulo Avelino dahil mapapanood na ito sa Primetime Bida simula Nobyembre 7. 

Ipapalabas ang “Flower of Evil,” ang Philippine adaptation ng South Korean suspense drama, sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 mula Lunes hanggang Biyernes ng 9:30 PM. 

Umiikot ang kwento sa mag-asawang Daniel (Piolo), isang metal craftsman, at Iris (Lovi), isang pulis. Mayayanig ang kanilang mundo nang mapunta kay Iris ang imbestigasyon ng isang serial murder case na hindi pa nalulutas at maaaring konektado sa masalimuot na nakaraan ni Daniel. 

Mas titindi pa ang mga rebelasyon dahil sa misteryosong karakter ni Paulo na si Jacob. Ano-ano ang mga sikretong inililihim nila sa isa’t isa?

Unang ipinalabas ang “Flower of Evil” sa Viu noong Hunyo at nakapasok ito sa listahan ng top-rated shows sa Viu. 

Huwag palampasin ang “Flower of Evil” simula ngayong Nobyembre 7, gabi-gabi ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Flower of Evil.” 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.