News Releases

English | Tagalog

Mga lifestyle program ng ABS-CBN, mapapanood sa Asya sa Discovery at Asian Food Network

October 06, 2022 AT 12 : 23 PM

In a new content deal with Warner Bros. Discovery, ABS-CBN is bringing some of its Metro Channel-branded lifestyle shows to more Asian audiences in Central and Southeast Asia

Tampok ang 'Beached,' 'The Crawl,' at 'Foodprints' ng Metro Channel
 
Patuloy ang ABS-CBN sa paghahatid ng de-kalidad na programa sa mga manonood abroad, kabilang na ang ilan sa mga lifestyle show ng Metro Channel na ipapalabas sa iba't ibang bansa sa Asya sa international cable channels na Discovery Asia at Asian Food Network.
 
Sa deal ng ABS-CBN at Warner Bros. Discovery, mapapanood ang ilang programa ng Metro Channel, kabilang ang "Beached," "The Crawl," at "Foodprints," sa Central at Southeast Asia.
 
Tampok sa "Beached" nina Marc Nelson at Maggie Wilson ang ganda ng ilang beach at island resort sa bansa at sa iba't ibang dako ng mundo. Eere ang unang season nito sa Discovery Asia simula Oktubre 27.
 
Mapapanood din sa Asya ang foodie shows nitong "The Crawl," na itinanghal din na National Winner sa 2022 Asian Academy Creative Awards, simula Nobyembre 9 at "Foodprints" ni Chef Sandy Daza sa Disyembre 14 sa Asian Food Network.
 
Ipapalabas din ang mga ito on-demand sa discovery+, na maaaring i-access sa website nito o sa official app nito sa iOS o Android devices.
 
Patuloy ring mapapanood ang Metro Channel dito sa Pinas sa SKYcable channel 52 (SD) pati channel 174 (HD), Cignal channel 69, at GSAT channel 70.
 
Hanggang ngayon, kinikilala ang ABS-CBN sa paghahatid ng mga de-kalidad nitong mga teleserye, pelikula, at iba pang programa sa iba't ibang dako ng mundo, kung saan nakapagbenta ito ng mahigit 50,000 hours ng content sa higit 50 na bansa abroad.
 
Bisitahin lamang ang https://www.abs-cbn.com/internationalsales/about para sa karagdagang detalye patungkol sa ABS-CBN International Distribution.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE