News Releases

English | Tagalog

Limang nasawing rescuer, kinilala ang kabayanihan sa “KBYN: Kaagapay Ng Bayan”

October 06, 2022 AT 05 : 39 PM

Pagsasaka ng imported na baka, itatampok ni Kabayan ngayong Linggo

 

Itinampok ni Noli de Castro ang kadakilaan ng limang nasawing rescuers noong humagupit ang Bagyong Karding sa Bulacan ngayong Linggo (Oktubre 9) sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan.”

Nagbuwis ng buhay ang mga rescuer ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na sina George Agustin, Troy Justin Agustin, Marby Bartolome, Jerson Resurreccion at Narciso Calayag upang mailigtas ang kanilang mga kababayan nang rumagasa ang Bagyong Karding sa Luzon noong Setyembre 25. Dahil dito, kinilala at pinarangalan ng lokal na pamahalaan ng Bulacan ang kanilang kabayanihan.

Kukumustahin din ng “KBYN” team ang kalagayan ng street sweeper na si Doreen Bacus na nasagasaan ng SUV sa BF Homes, Parañaque City. Nagpapagaling pa rin sa ospital ang matanda at nakatakdang isailalim sa artificial ear surgery matapos siyang mawalan ng tainga dahil sa aksidente.

Samantala, bumiyahe rin si Kabayan sa Batangas at nilibot ang isa sa pinakamalaking cattle farm sa Pilipinas. Natutunan niya ang proseso ng pagsasaka ng mga imported na baka na naghahatid ng de-kalidad na karne sa bansa.

Panoorin ang mga kwentong ito sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan,” ngayong Linggo (Oktubre 9), alas 5 ng hapon bago ang “TV Patrol Weekend” sa  Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, youtube.com/ABSCBNNews, news.abs-cbn.com/live, TeleRadyo, at A2Z.  

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.