News Releases

English | Tagalog

Mang-iibon, ipapasikat ang makukulay na peacock sa “KBYN: Kaagapay Ng Bayan” ni Noli

November 18, 2022 AT 06 : 35 AM

Kabayan, ipapakita kung paano ginagawa ang ‘pagpag’ ngayong Linggo


Magiging makulay ang weekend dahil ipapakita ni Noli de Castro ang 35 na klase ng peacock, na makikita lamang sa isang bird farm sa Calamba, ngayong Linggo (Nobyembre 20) sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan.”
 
Ipinakita ng negosyante at mag-iibon na si Joel Alcasid ang kanyang makukulay na mga alaga, na kanyang pinaparami at ibinebenta sa Alcasid Aviary and Farm. Ang kanyang farm ay kilala sa pagpapalaki ng iba't ibang lahi ng peacock, tulad ng Blue Peafowl at Purple Spaulding Peahen. Bukod sa mga peacock, nag-aalaga rin si Joel ng iba't ibang uri ng manok, gansa, guinea fowl, atbp.
 
Bilang isang paraan ng muling pagpapakilala sa sinaunang tradisyon ng pagmamarka sa balat ng tao, itatampok ng KBYN ang dalawang tattoo collector na sina Angelo Cruz at Angelie Pench, na ang mga katawan ay nababalot ng iba’t ibang disenyo. Bibigyang-diin rin ni Angelo at Angelie ang kagandahan ng pagta-tattoo at bakit nga ba dapat mawala na ang diskriminasyon sa mga taong may tattoo na tulad nila.
 
Samantala, susundan din ng KBYN ang taga-Tondo na si Magdalena Maredo sa paghahanap ng tira-tirang pagkain sa mga fast food restaurant. Kolokyal na tinatawag na ‘pagpag’, ginagawa ito ng ilan sa ating mga Kababayan bilang pantawid-gutom. Pagkatapos kolektahin ang mga natirang pagkain, nililinis nila ito at niluluto muli, para kainin o di kaya itinda para pagkakitaan.
 
Huwag palampasin ang mga natatanging kuwentong ito ngayong Linggo, Nobyembre 20, 2022 sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan”, 5 p.m. sa A2Z, TeleRadyo, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, youtube.com/ABSCBNNews at news.abs-cbn.com/live.
 
Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.