Who among Lucas, Julian, and Josh will win Thea’s heart? Will Thea be able to fully embrace her insecurities from the past?
Mapapanood nang libre sa Pilipinas sa iWantTFC ngayong Marso 26
Bubusugin ni Francine Diaz ng kilig at pagmamahal ang tatlo niyang leading men sa iWantTFC series na “Bola Bola,” kung saan pag-aagawan siya nina Akira Morishita ng BGYO at nina KD Estrada at Ashton Salvador ng The Squad Plus. Mapapanood ito nang libre sa Pilipinas sa iWantTFC ngayong Marso 26.
Iikot ang kwento kay Thea (Francine), isang overweight na high school student na matututong mahalin ang katawan at buong pagkatao niya. Buong buhay ni Thea, iisa lamang ang inaasam niya - maging normal na teenager at maranasang magmahal at mahalin ng iba sa kabila ng pambabash sa kanya dahil sa pagiging mataba.
Nakahanap ng lakas ng loob si Thea na maging matapang dahil patay na patay siya kay Lucas (Akira), ang matagal na niyang crush na musikero. Upang magustuhan din siya, paghahandaan ni Thea si Lucas ng pinakamasarap niyang pagkain at aalukin niya itong maging date niya sa ball.
Ngunit madudurog ang puso ni Thea nang sabihan siya ni Lucas na hindi niya type ang dalaga dahil sa pagiging overweight niya. Dahil dito, matututunan ni Thea na mahalin ang kanyang sarili at ipapamukha niya sa lahat na kaya rin siyang mahalin ng iba.
Isa sa mga magiging sandalan ni Thea ay ang best friend niyang si Julian (KD). Laging ipinapaalala ni Julian kay Thea na kahit anuman ang hitsura nito, kamahal-mahal pa rin siya at dapat siyang respetuhin. Ang hindi alam ni Thea, matagal nang may gusto si Julian sa kanya.
Makikilala rin ni Thea si Josh (Ashton), isang mahiyaing fitness trainer na nakaka-relate sa pinagdadaanan ni Thea at unti-unting mahuhulog ang loob sa dalaga.
Dahil sa pagbabagong-anyo at bitbit na kumpiyansa ni Thea, pag-aagawan siya nina Lucas, Julian, at Josh. Sino sa kanila ang mas matimbang sa puso ni Thea?
Base sa libro ni Anna Geronga, ang “Bola Bola” ay mula sa direksyon ni JP Habac at produksyon ng iWantTFC, Dreamscape Entertainment, at KreativDen. Kabilang din sa serye sina Analain Salvador at Danica Ontengco ng The Squad Plus, Vance Larena, J-Mee Katanyag, at Arlene Muhlach.
Ipapalabas ito sa Marso 26 at may bagong episode kada weekend hanggang Abril 10 sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iWantTFC website (iwanttfc.com). Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.