News Releases

English | Tagalog

Unang virtual career fair ng TrabaHanap ngayong 2022, lalarga na ngayong Marso 26

March 21, 2022 AT 01 : 58 PM

The upcoming job fair, which will air live on its weekly career-hunting show "TrabaHanap Live," will provide more opportunities for TrabaHunters nationwide

KaladKaren, tutulong sa TrabaHunters

Bilang pasasalamat sa mga tagasubaybay at tagasuporta ng TrabaHanap, mas marami pang oportunidad sa trabaho ang ihahandog sa una nitong career fair ngayong taon kasama si Kaladkaren. 

Lalarga na ngayong Sabado (Marso 26), 4 PM, ang "Maraming SalaMarch, TrabaHunters!" na mapapanood sa online sa lingguhang career-hunting show na "TrabaHanap Live" sa opisyal na TrabaHanap Facebook page.  

Tampok dito ang iba-ibang kumpanyang naghahanap ng empleyado at manggagawa at isang virtual career booth, kung saan ang iba ay maaaring makakuha na agad ng pagkakataong ma-interbyu para sa ninanais niyang trabaho. 

Kasa-kasama pa rin ng TrabaHunters ang host ng "TrabaHanap Live" na si KaladKaren na maghahatid rin ng kaalaman at tips upang maging tagumpay ang job hunting.

Para makalahok, kailangan lang gumawa ng account at mag-upload ng resume sa www.TrabaHanap.com, kung saan makikita ang iba pang job openings sa maraming kumpanya at industriya. Matapos i-upload ang resume at iba pang mahalagang impormasyon, tutok lang sa virtual career fair sa "TrabaHanap Live" sa Sabado upang makita ang hinahangad na trabaho.  

Bukod sa TrabaHanap official Facebook page (@TrabaHanapOfficial), napapanood rin ang "TrabaHanap Live" sa TFC Official, TFC Asia, TFC Middle East, CineMo, MORe- Luzon, MORe – Visayas, and MORe – Mindanao Facebok pages, at tuwing Linggo ng 9 AM sa "TrabaHanap TV" sa CineMo. 

Ipinapalabas rin ito sa @FYEchannel sa Kumu, CineMo YouTube channel, Kapamilya Online Live, at Kapamilya Channel. 

Para sa ibang ABS-CBN updates, ifollow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom