News Releases

English | Tagalog

Iba't ibang kwento ng pag-ibig, mapapakinggan sa mga kanta ni KD at BGYO sa EP ng "Bola Bola"

March 25, 2022 AT 11 : 36 AM

Sagot nina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nateng BGYO at KD Estrada ang mga bagong kanta tungkol sa pagmamahal at pagtatantong nagmamahal siya sa original soundtrack ng iWantTFC series na "Bola Bola" na mapapakinggan ngayong araw sa iba't ibang streaming platforms.

Bida sa kantang "Mahal Na Kita" na isinulat at kinanta ni Akira ang mensahe na mas minamahal ng isang tao ang kabutihan ng isang tao kaysa sa panlabas nitong itsura. Bukod sa solo rendition ni Akira sa kantang ito, may bersyon din siya kasama ang kapwa niyang miyembro sa BGYO.

 

Tungkol naman sa pagkumpirma at pagtanto sa sarili na nagmamahal siya ang kantang "Mahal Ba Kita?" na isinulat at kinanta ni KD na bida rin sa serye bilang si Julian. Panigurado rin na makakarelate rito ang mga taong hirap na magsabi ng kanilang nararamdaman sa kanilang crush o iniibig. Ang original soundtrack ng "Bola Bola" ay iprinoduce ni Jonathan Manalo at Star Music.

 

Samantala, ang mapapanood na "Bola Bola" sa Marso 26 (Sabado) ay tungkol sa kwento ni Thea, isang 220- pound na babaeng makakaranas ng sakit at saya ng unang pag-ibig. Hindi magiging madali ang kanyang lalakbayin dahil dadaan pa siya sa proseso ng pagmamahal at pagbibigay halaga sa sarili. Mas magiging mahirap pa ito sa pagpasok nina Lucas, Julian, at Josh (Ashton Salvador) sa kanyang buhay.

Pakinggan ang EP ng "Bola Bola" sa iba’t ibang digital music platforms! Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).