News Releases

English | Tagalog

Ato Arman may mensahe ng pagtutulungan sa bagong kanta

March 31, 2022 AT 11 : 53 AM

May hatid na inspirasyon para sa mga Pilipino ang dating “Tawag ng Tanghalan” finalist na si Ato Arman sa harap ng mga pagsubok dala ng pandemya at ng bagyong Odette sa bagong single niya na “Tulong-Tulong.”
 
Si Ato mismo ang sumulat ng “Tulong-Tulong” na binibigyang-halaga ang mga effort ng nagsama-samang Pilipino para maglunsad ng relief operations para sa mga nangangailangan. Isa rin itong paalala sa halaga ng pag-angat sa bawat isa sa gitna ng mga pagsubok.
 

Ani Ato, “Maririnig sa kanta ‘yung power ng pagtutulungan ng bawat isa sa kabila ng mga paghihirap. Kahit na maraming pagsubok sa hinaharap at ‘di na gaya ng dati ang buhay natin, hatid nito ang pag-asa sa mga makikinig.”
 
Sinusundan ng pop-rock song mula sa DNA Music ang 2020 single ni Ato na “Ngayong Dumating Ka Na” na tungkol naman sa pagkakaroon ng tunay na pagmamahal.

 
Binansagan bilang “Folk Rock Mover” si Ato na runner-up sa ikalawang season ng “Tawag ng Tanghalan” noong 2018. Simula noon, nakatanggap na siya ng mga pagkilala para sa kanyang talento, gaya na lamang ng “Best New Male Artist” sa Aliw Awards at “Outstanding Artist of the Year” sa Gawad Filipino Awards noong 2019.
 
Ma-inspire na tumulong sa kapwa at pakinggan ang single ni Ato na “Tulong-Tulong” sa iba’t ibang digital music platforms at sa ABS-CBN Star Music YouTube channel. Para sa iba pang detalye, sundan ang DNA Music sa Facebook (www.facebook.com/dnamusicph), Twitter at Instagram (@dnamusicph).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE