News Releases

English | Tagalog

BGYO, may handang anniversary treat live na live sa 'ASAP Natin 'To'

March 04, 2022 AT 05 : 20 PM

Get on your feet as one of the country's most trending P-Pop acts today BGYO returns on the ASAP stage for their first-anniversary celebration

Abangan din ang birthday performance ni KZ

Live na live muli ang "ASAP Natin 'To" para maghatid ng isa nanamang pasabog na all-star party, tampok ang anniversary treat ng BGYO, pa-birthday blowout ni KZ, at marami pang iba ngayong Linggo (Marso 6) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Balik-ASAP stage ang isa sa mga tinitiliang P-Pop groups ngayon, ang BGYO, para sa kanilang kauna-unahang anibersaryo kasama sina Darren at Gary Valenciano. Tuloy-tuloy naman ang P-Pop vibes sa inihandang tandem performance ng BINI at ASAP dance royalty na si Kim Chiu.

Hindi rin pahuhuli sa kanyang birthday celebration ang Asia's Soul Supreme na si KZ na may hinandang tandem kantahan kasama si Gigi de Lana.  Maki-hataw naman sa paborito ninyong dance hits kasama sina Andrea Brillantes, Krystal Brimner, Karina Bautista, at ang buong "ASAP Natin 'To" family. Kasama rin sa trending hits kantahan ang vocal trio group na iDolls.

Paiinitin naman nina AC Bonifacio, Francine Diaz, Maris Racal, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Edward Barber, at Enchong Dee ang ASAP stage sa kanilang hip-hop dance tapatan.

Damang-dama naman ang pag-ibig sa duet performance ng breakout tambalan nina KD Estrada at Alexa Ilacad kasama ang OPM power couple na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Samantala, may senti jamming din sina Anji Salvacion, Benedix Ramos, Jordan Andrews, Diego Gutierrez, Jeremy G, at Angela Ken kasama sina Ice Seguerra, Yeng Constantino, Kyla, Nyoy Volante, at Zsa Zsa Padilla.

Maki-birit din sa rock hits tapatan ng New Gen Birit Singers na sina Sheena Belarmino, Reiven Umali, Janine Berdin, JM Yosures, at Elha Nympha. At pakatutukan ang throwback '70s kantahan nina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Nina, Erik Santos, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."

Huwag palampasin ang isa nanamang pasabog na concert experience mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," live na live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.