News Releases

English | Tagalog

Sam, Yuridope, at Moophs, sanib-pwersa sa kantang “Ikaw Ang”

May 30, 2022 AT 01 : 25 PM

Hango sa kantang “Ikaw” ni Yeng

May bagong kanta si Sam Concepcion kasama ang Ex-Battalion rapper na si Yuridope at P-Pop producer na si Moophs, ang “Ikaw Ang” na kumuha ng inspirasyon sa 2014 hit ni Yeng Constantino na “Ikaw,” na sorpresang maririnig din sa dulo ng kanta.

Mula sa viral song niyang “Diwata,” hatid ni Sam ang awitin na binuo ni Moophs mula sa kagustuhan niyang makagawa ng pop song mula sa dati nang OPM classic, at napili niya ang “Ikaw” ni Yeng para rito.

Ani Moophs, pinili niya ang kanta dahil naririnig niyang pwede pang makagawa ng bagong kanta mula rito. “Sobrang strong at madaling ma-recognize ng hook. Nag-reach out kami sa team ni Yeng at pumayag naman sila kaya nagawa naming itong kanta,” kwento ng label head at founder ng Tarsier Records. “Maraming sikat na examples nito gaya ng pag-sample ni Puff Daddy sa The Police para mabuo ang “Every Step You Take” nung 1997, pag-sample ni Madonna sa ABBA para sa “Hung Up” nung 2005, at M.I.A. sa The Clash para sa “Paper Planes” nung 2007, so naisip ko bakit hindi natin gawin with OPM?”

Nang magawa ang beat, nagsimula ring mabuo ang “Ikaw Ang” katulong ang talented songwriter na si Pippen Tan na nagsulat ng hook nito. Nagsulat naman ng rap verses si Yuridope na isinulat niya at ini-record on the spot habang nasa studio.

“Kumuha talaga ng inspiration directly from ‘Ikaw’ ‘yung kanta,” ani Moophs. “Hindi lang sa music na maririnig sa chords at sa piano riff, pero pati sa lyrics. Parang reply siya sa mensahe ng pag-ibig ni Yeng nung 2014 sa significant other niya—‘yan ang binigay kong brief kina Pippen and Yuri nung nagsulat sila. Powerful ‘yung message na nabuo nilang dalawa tapos cherry on top pa ‘yung feature ni Yeng sa dulo ng kanta kung saan kinanta niya ‘yung original hook niya kasama ‘yung bagong hook ni Sam.”

Sabi ni Yuridope, sina Eminem at J. Cole ang naging impluwensiya niya sa pagsusulat ng parte niya at kumuha rin siya ng inspirasyon sa partner niya. “Ini-imagine ko na parang nagvo-vows ako dito sa kasal, na para bang ikakasal din ako kagaya kay Ate Yeng. Naging sobrang creative din ako dahil sa pag-hype ni kuya Moophs.”

Samantala, panay puri naman si Moophs sa magaling na pag-awit ni Sam sa kanta na aniya ay nagbigay ng kakaibang talento, professionalism, at ‘shine’ dito. ‘Powerful’ din daw ang pag-record niya sa hooks at swabe naman ang pagkanta sa mga adlib at harmony.

Unang ipinerform nang live nina Sam, Yuridope at Moophs ang “Ikaw Ang” sa buwanang “Nightcap” series ng Tarsier Records nitong nakaraang Biyernes (Mayo 27) sa Xaymaca Bar. Bago ang “Ikaw Ang,” huling nag-collab sina Sam at Moophs para sa single na “Nonstop” na ini-release din ng Tarsier.

Pakinggan ang “Ikaw Ang” sa iba’t ibang digital streaming platforms! Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa social media accounts nito, @tarsierrecords.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE