News Releases

English | Tagalog

Mga tindero ng patapong gulay, kinilala ni Noli de Castro sa "KBYN: Kaagapay ng Bayan"

June 17, 2022 AT 10 : 23 PM

Noli de Castro takes viewers on a trip to Divisoria to get to know two ‘pulot’ vendors or people who pick up scrap vegetables in Divisoria and sell it for a lower price in “KBYN: Kaagapay ng Bayan” this Sunday (June 19).

Dahil sa hirap, maraming Pilipino ang gumagawa ng paraan upang magkaroon ng kabuhayan. Kabilang na dito ang dalawang ‘pulot’ vendors o mga tindero ng mga itinapon o nahulog na gulay sa Divisoria na kikilalanin ni Noli de Castro sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan” ngayong Linggo (Hunyo 19). 

Isa rito ang 52-anyos na si Christina ‘Kite’ Navarro na tatlong dekada ng pulot vendor. Kahit may edad na, patuloy pa rin siya sa pagkayod dahil ito lang ang alam niyang hanapbuhay. Nakausap din ni Kabayan ang dating snatcher na ngayon ay pulot vendor na si Allan ‘Nog-nog’ Martinez. Natauhan si Nog-nog sa mali niyang gawain at nagdesisyong kumayod ng marangal na trabaho para sa pamilya.  

Anila, nililinis muna ng pulot vendors ang mga itinapon o nahulog na gulay bago ibenta sa murang halaga. Bilang tulong, biniyayaan din ng “KBYN” ang pulot vendors ng pedicab upang makagaan sa kanilang araw-araw na pagpupulot ng gulay. 

Tampok din sa Linggo ang husay ng mga batang fire dancers. Sa edad na 10-anyos, hasa na si Clyde Louise Basbas sa pagsasayaw gamit ang apoy, habang iba’t ibang acrobatics stunts naman ang kayang ipamalas ni Francis ‘Kiko’ Lee sa edad na 11.  

Ibibida rin ni Kabayan ang beterinaryong si Dr. Jason Abner Sumayaw na may negosyong taxidermy o proseso ng pagpepreserba ng mga hayop na wala ng buhay. Ani Dr. Jason, inaabot ng tatlo hanggang anim na buwan ang taxidermy depende sa uri ng hayop at sukat nito kaya naman tumatagingting ang presyo nito. 

Maaliw at ma-inspire sa handog na mga kwento ng “KBYN: Kaagapay ng Bayan,” tuwing Linggo, 5 pm bago ang “TV Patrol Weekend” sa  Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, news.abs-cbn.com/live, YouTube ng ABS-CBN News, at A2Z. 

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.