News Releases

English | Tagalog

BINI, kinilalang rising global artist ng Spotify RADAR; bumida sa Rolling Stone magazine

June 09, 2022 AT 05 : 30 PM

Sunod-sunod na nga ang tagumpay ng Pinoy pop girl group na BINI dahil kinilala naman ito ngayon ng music at pop culture magazine na Rolling Stone bilang isa sa rising global artists na napabilang sa Spotify RADAR 2022 program.
 
Kabilang ang itinuturing na nation’s girl group sa unti-unting sumisikat na artists na merong “a little something for everyone, whether you need hope or healing” sa pamamagitan ng bago nitong kanta na “Pit A Pat.”
 
Ayon sa Rolling Stone, ang grupo na kinabibilangan nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena ay nagtataglay ng “loud, vibrant, sugar-coated vibe that is only second to their commanding, ear-grabbing style.”
 
Pinuri nito ang “Pit A Pat” bilang summer anthem na nagbibida sa grupong may hatid na empowerment, respeto, at ambisyon.” Sabi pa ng manunulat ng Rolling Stone na si Tara Aquino, “They’re here, and they won’t let you forget it.”
 
Ang Korean singer-songwriter na si Sophia Pae ang sumulat ng awitin na binuo at inareglo naman nina Rohan at Ddank. Tumulong naman ang BINI girls sa pagsusulat ng Tagalog parts nito.
 
Samantala, ipagdiriwang naman ng grupo ang unang taon nila sa industriya kasama ang kanilang fans sa “Bloom1ng: The 1st BINIversary” event na magaganap sa SM Megamall Ice Skating Rink sa Sabado (June 11), 7 pm.
 
Tuloy-tuloy nga ang BINI sa paghahatid ng buhay sa music scene dahil nitong Miyerkules (June 8) lamang ay inilabas na rin nito ang official music video para sa kantang “Na Na Na.”
 


Kumpirmado rin na ang kanilang mga awiting “Golden Arrow” at “Kapit Lang” ay makakasama sa Lunar Codex time capsules na ipapadala sa buwan sa taong 2023 para sa pagkakataong madiskubre ng bagong henerasyon.
 
Isa ang BINI sa Kapamilya artists na gumagawa ng pangalan hindi lang dito sa Pilipinas kungdi pati na rin sa iba’t ibang bansa sa pagpapatuloy ng ABS-CBN sa pagbibida ng talentong Pinoy sa buong mundo.
 
Abangan ang BINI sa kanilang latest adventure sa “BINI Roadtrip Adventures” na napapanood sa BINI Official YouTube channel. Alamin ang updates tungkol sa BINI at sundan ang BINI_ph sa Facebook, Twitter, at Instagram, at mag-subscribe na sa YouTube channel nilang BINI Official. Para sa iba pang ABS-CBN updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE