Samahan si Alex Diaz sa paghahanap niya ng spark sa pinaka-unang boy's love dating game show ng bansa na "Hello Searcher," mula sa mga gumawa ng hit series at pelikula na "Hello Stranger" na Black Sheep.
Sa kanyang Tiktok account, inilahad ni Alex na kahit pa tatlong taon na niyang pinipilit na gumawa ng lugar para sa 'genderless love' at para sa bisexual na tao, sa pagiging searcher niya sa show na ito ay makatulong siya sa ibang tao na nakakaranas din ng kanyang sitwasyon na maramdamang nauunawaan sila.
"I love disrupting and jumping at any opportunity to create representation in our beloved conservative Filipino industry. Somewhere out there, there is a little boy or old man, who never had someone to look up to on TV see this and feel seen. That is always a win in my book," saad ni Alex.
Makakasama ni Alex sa nasabing dating game show angunang Miss Trans Global na si Mela Habijan namagsisilbing Mother Sparker o host ng digital show.
Sa "Hello Searcher," tutulungan ni Mela si Alex na mahanap ang kanyang spark sa anim na swerteng searchees na dadaan sa iba't ibang virtual challenges at games hanggang isa na lang ang matira.
Maari naman makasama ang publiko sa nasabing online dating game show sa pag-audition nila sa Sparks Call. Bukas ang online audition sa lahat ng mga Pilipinong lalaking naninirahan sa bansa o hindi kaya sa abroad, 21 anyos pataas at dapat marunong makaintindi ng Tagalog. Sa mga gusto mag-audition, i-fill out ang online form at i-submit ang audition video sabit.ly/HelloSearcherSC.
Iwasan na magsana-all at baka ito na ang inyong tsansa maging isa sa anim na searchees na hinahanap ni Alex.
Abangan ang pagsisimula ng "Hello Searcher," parte ng Made For YouTube shows ng ABS-CBN, ngayong Agosto. Panoorin ito sa YouTube channel ng Black Sheep.