Will Dave and his friends be able to resolve their issues? What deep secret is Nicole hiding?
Unang iWantTFC original series tampok ang KyChie
Kilig at good vibes ang handog ng dating "PBB Kumunity" celebrity edition housemates na sina Kyle Echarri at Chie Filomeno sa iWantTFC original series na “Beach Bros,” na pinagbibidahan din nina Angelica Lao, Kira Balinger, Brent Manalo, Raven Rigor, Sean Tristan, at Lance Carr.
Mapapanood na nang libre ang feel-good serye ngayong Hulyo 16, na tungkol sa gwapong binata na si Dave (Kyle) at ang barkada niyang kilala bilang “Baler Boys” na sina Billy, Jeremy, Jason, at Pete (Lance, Sean, Brent, at Raven).
“You only live once” ang life motto ng kanilang grupo kaya naman nagsusumikap sila bilang mga waiter at pool boy sa isang enggrandeng resort para matupad ang pangarap nilang manirahan sa Manila.
Kahit sinasakyan nila ang mga kalokohan ng isa’t isa, mayroon pa rin silang pinagdadaanan na mga pagsubok sa kani-kanilang buhay. Desperado si Dave na kumbinsihin ang kanyang ina na payagan siyang mag-aral sa Manila; nagkakalabuan naman si Billy at ang kanyang matinong girlfriend na si Yasmine (Angelica); si Jason ay may lihim na pagtingin kay Erika (Kira); habang si Pete naman ay may tinatagong feelings para sa kanyang best friend.
Magbabago ang buhay ng kanilang barkada nang makilala nila si Nicole (Chie). Si Nicole ay isang misteryoso at sexy na babaeng tila tutulong sa kanilang barkada kung paano maging wais sa kanilang mga desisyon.
Mapapalapit si Nicole sa kanila, lalong-lalo na kay Dave na patay na patay na sa kanya. Ngunit malalaman ng grupo na mayroon pa lang ibang pakay si Nicole at may itinatago itong sikreto na maaaring ikapahamak nilang lahat.
Dahil dito, madadamay si Dave at ang buong barkada sa gulo. Dadaan sila sa matinding pagsubok kung saan masusubukan ang kanilang pagkakaibigan.
Malulusutan ba ng barkada ang kanilang mga problema? Ano ang totoong pagkatao ni Nicole?
Ang “Beach Bros” ay sa ilalim ng direksyon ni Victor Villanueva at mapapanood na ito nang libre sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iWantTFC website (iwanttfc.com) simula ngayong Hulyo 16.
Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang "watch now, no registration needed" feature nito. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFCo sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.