News Releases

English | Tagalog

Dolphy, naghahari sa Cinema One YouTube channel ngayong Hulyo

July 19, 2022 AT 01 : 25 PM

“Hataw Tatay Hataw,” “Dino Dinero,” and “Ang Hiwaga Ng Ibong Adarna” are available for streaming on Cinema One YouTube channel for free until September 30.

Paggunita sa 10th death anniversary ng Hari ng Komedya

Tatlong pelikula ni Dolphy ang naghahatid ng katatawanan at nagpapakalap ng good vibes online sa pagpapalabas nito sa Cinema One YouTube channel ngayong Hulyo bilang paggunita sa 10th death anniversary ng tinaguriang Hari ng Komedya.

Mapapanood nang libre ang mga tumatak na pelikulang “Hataw Tatay Hataw,” “Dino Dinero,” at “Ang Hiwaga Ng Ibong Adarna” sa nasabing video streaming platform hanggang Setyembre 30.



Balikan ang kwelang kwento ng “Hataw Tatay Hataw” na tungkol sa isang bellboy (Dolphy) na bibisitahin ng kanyang anak na babae (Sheryl Cruz) na matagal nang nawalay sa kanya, Magpapanggap ang ama na may-ari ng hotel para ma-impress ang anak na mula sa Amerika. Mapapanood din dito sina Zoren Legaspi, Nanette Medved, at Vandolph Quizon.

Isa namang mahirap na ice cream dealer na may tatlong ampon si Dolphy bilang si “Dino Dinero” na susubukang lokohin ng isang negosyante para nakawin ang kanyang ice cream recipe. Tampok rin sa pelikula sina Gretchen Barretto, Romnick Sarmenta, Carmi Martin, at iba pa.

Nakasentro naman sa halaga ng mabuting kalooban ang “Ang Hiwaga Ng Ibong Adarna” kung saan may isang hari na paglalabanin ang kanyang mga anak na sina Adolfo (Dolphy), Alfonso (Panchito), at Albino (Babalu) para alamin kung sino ang nararapat pumalit sa trono niya. Magkakasakit ang amang hari at ang tanging gamot ay ang awitin mula sa ibong Adarna at kung sino man ang makapagdala ng ibong ito sa hari ang siyang magwawagi.

Huwag palampasin ang katatawanan at sayang hatid ng timeless movies ni Dolphy sa Cinema One YouTube channel. Available rin ang Cinema One sa Cignal ch. 45, SKYcable ch. 56, at iba pang local cable service providers. Para sa iba pang impormasyon, sundan ang Cinema One sa FacebookTwitterTikTokYouTube, at Instagram.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE