News Releases

English | Tagalog

Coco, handa na para sa huling laban sa "FPJ's Ang Probinsyano"

August 02, 2022 AT 02 : 13 PM

Will Cardo succeed in their mission and finally get the justice they have longed for? What other plans do Lily and Renato have to seize control over the government?

Tutukan ang huling dalawang linggo…

Dumating na ang panahon para sa huling laban nina Cardo (Coco Martin) at ng Task Force Agila.

Isang makapigil-hiningang digmaan ang nagbabadya dahil pinaghahandaan na nila ang pag-aresto sa dalawang most wanted criminals ng bansa sa huling dalawang linggo ng “FPJ’s Ang Probinsyano: Ang Pambansang Pagtatapos.”

Balik-serbisyo na ang buong Task Force Agila matapos linisin mismo ni Presidente Oscar (Rowell Santiago) ang kanilang mga pangalan. Para sa kanilang huling misyon, inatasan silang dakpin at arestuhin, buhay man o patay, sina First Lady Lily Hidalgo (Lorna Tolentino) at ang kilalang drug lord na si Renato (John Arcilla). 

Kahit naman nagluluksa pa rin si Cardo dahil sa pagkamatay ni Lolo Delfin, desidido siyang wakasan ang kasakiman nina Lily at Renato dahil alam niyang ito ang sagot para maibalik ang kapayapaan sa Pilipinas. 

Pero matinding mga pagsubok ang kailangan harapin nina Cardo upang magtagumpay. Bukod kasi sa tulong nina Armando (John Estrada), Lolita (Rosanna Roces), at ng Black Ops, nakuha na rin ni Lily ang katapatan ng mga foreign terrorists para sa plano niyang pagsakop sa bansa. 

May sariling mga alas din si Renato laban sa gobyerno dahil nakipagsanib-pwersa na siya kay Lucio (Raymond Bagatsing), ang pinakamakapangyarihang terorista sa bansa.

Magtagumpay kaya si Cardo sa kanyang misyon upang makamit ang matagal na niyang inaasam na hustisya? Ano pang masasamang plano ang gagawin nina Lily at Renato?

Huwag palampasin “FPJ’s Ang Probinsyano: Ang Pambansang Pagtatapos” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Mapapanood din sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV ang “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom