News Releases

English | Tagalog

Heaven at Markus, naniniwala sa online dating

August 02, 2022 AT 07 : 50 PM

Bibida sina Heaven Peralejo, Markus Patterson, Nonie Buencamino, at Paolo Gumabao sa mga kwento tungkol sa pagmamahal na nabuo online at ang pag-uunawa ng ama at ng kanyang anak sa kani-kanilang pagkakaiba ngayong Agosto sa "MMK."
 
Parehas ngang naniniwala sina Heaven at Markus na posibleng mahanap ng mga tao ang pag-ibig sa social media kagaya ng kanilang mga karakter na sina Wena at Greg na mapapanood ang kwento ngayong Sabado (Agosto 6). 
 
Bagamat naniniwala sa online dating, gusto pa rin ni Heaven na dumaan sa tamang panliligaw ang lalake at pumunta pa rin ng kanilang bahay at humingi ng pahintulot sa magulang nito. "I do believe that you can get to know each other online pero kapag magdate kayo outside dapat magpakita rin siya sa bahay at manligaw. But normal na generation ngayon yung online dating so naniniwala ako rito," saad niya.
 
Para naman kay Markus, mas gusto pa rin niyang pisikal na makita at makilala ang magiging posible niyang kabiyak pero nirerespeto pa rin niya ang mga taong nakakahanap ng pag-ibig online.
 
"I value being with someone physically since it's my love language. Medyo clingy kasi ako pero personally ko itong choice," sabi niya.
 
Ngayong Agosto 20, makakarelate naman ang manonood sa kwento ng mag-amang sina Jason at Eduardo, (Paolo at Nonie) na pinili tanggapin ang kani-kanilang pamumuhay at sexualidad para itaguyod ang kanilang pamilya.
 
Pagbabahagi ni Paolo sa kanyang unang "MMK" episode, "I can relate to James kasi mahal na mahal ko rin yung dad ko. I grew up with my step-father since I was born and grabe yung ginawa niya na tinanggap niya yung isang bata na hindi naman sa kanya."
 
Dagdag naman ni Nonie, "Kwento ito ng mag-ama and yung pagmamahal nila sa isa't isa para magkaroon ng lakas ng loob mabuhay. Makikita mo sa kwento and makakarelate ka and mga mag-ama rito kung paano sila nagbabago para masuportahan ang isa't isa."
 
Bukod naman sa bagong kwentong mapapanood ngayong buwan, mababalikan din ng viewers ang episode na pinagbidahan ni Bela Padilla kung saan gumanap siya bilang isang nanay na may kuba ang likod. Panoorin kung paano niya binuhay ang anak sa kabila ng kanyang kapansanan sa Agosto 13 (Sabado). 
 
Mapapanood din muli sa darating na Agosto 27 ang kwento naman ni Hershey (Ria Atayde) na nakayanan buhayin ang tatlong kapatid sa kabila ng pagmamaltrato ng sarili niyang ina.
 
Patuloy na panoorin ang mga nakakaantig na kwento ng mga Pilipino sa "MMK" tuwing Sabado, 8PM sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, and iWantTFC. For viewers outside of the Philippines, catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV