News Releases

English | Tagalog

Darna, haharap sa doble-dobleng pagsubok sa pagdating ng Clone Man

September 20, 2022 AT 11 : 08 AM

Will the Clone Man, played by Neil Coleta, succeed in beating Darna?

Mananatiling kalaban o magiging kakampi na kaya ni Darna si Hergis?
 
Patuloy ang pagsugpo ni Darna (Jane De Leon) sa mga Extra na naghahasik ng kasamaan sa Nueva Esperanza sa pagdating ng bagong kontrabida sa katauhan ng Clone Man (Neil Coleta) sa hit primetime series na “Mars Ravelo’s Darna.”
 
Ang Clone Man na may natatanging abilidad na gumawa ng maraming kopya ng sarili ang bagong kinakaharap ni Darna pagkatapos mamatay ang Killer Ghost (Christian Bables) sa kamay ng pinuno ng Extra Task Force na si Brian Robles (Joshua Garcia).
 
Napapanood na rin si Kim Rodriquez sa pinaka-pinag-uusapang serye bilang ang shapeshifter na si Xandra na kanang-kamay ni Heneral Borgo na nagnanais malaman ang tunay na katauhan ng bagong protector ng mahiwagang bato para makuha ito sa kanya at tuluyang magamit para pamunuan ang planetang Marte.
 
Muntik nang mapatay ni Heneral Borgo si Master Klaudio/Hergis (Joko Diaz), ang siyang nakakaalam sa pagkatao ng bagong protektor na si Darna. Sa pagkadiskubre ni Hergis na si Borgo ang pumatay sa kanyang anak, pipigilan kaya niya si Borgo na makuha ang bato mula kay Darna bilang paghihiganti rito?
 
Samantala, unti-unti nang lumalalim ang pagkakaibigang namamagitan kina Narda at Valentina na umabot na nga sa pag-amin ni Valentina ng lihim na matagal na niyang itinatago—na nakakarinig siya ng boses na siyang ikinatatakot niya. Makaapekto kaya ang pagkakaibigang ito sa paghahanap ni Darna sa Babaeng Ahas?
 
Abangan ang mga kaganapan sa “Darna,” Lunes hanggang Biyernes, 8 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5. Available din ang seryeng handog ng ABS-CBN at prinodyus ng JRB Creative Production sa iWantTFC at TFC.
 
Para sa iba pang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook at Twitter (@JRBcreativeprod) at sa Instagram (@JRBcreativeproduction). Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE