News Releases

English | Tagalog

Khimo, Ryssi, Kice, Ann, at Bryan, tincturing na blessing ang "Idol Philippines"

September 26, 2022 AT 12 : 52 PM

Malaki ang pasasalamat ng "Idol Philippines" Season 2 Top 5 na sina Khimo Gumatay, Ryssi Avila, Kice, Ann Raniel, at Bryan Chong sa pinakamalaking talent reality show ng bansa sa ginawang pagbabago nito sa kani-kanilang buhay.

Ani ng "Idol PH Season 2" grand winner na si Khimo, "Idol Philippines' was indeed a humbling experience and also a blessing po."
Pagbabahagi niya na muntik na raw siyang hindi sumali ng kompetisyon.
"Actually po, nung una hindi po dapat ako sasali ng ‘Idol Philippines’ pero sa tulong po ng mga taong nakapaligid po sa’kin na mag-push po talaga na sumali dito. Ngayon po, I’m beyond thankful po na sumali po ako rito sa 'Idol Philippines,'" dagdag niya.
Naging susi naman ang kompetisyon kay Ryssi para makilala siya ng mga tao higit pa sa mga binatong kontrobersiya sa kanya.
"Nabago po ng 'Idol' ung buhay ko kasi sila yung nagbigay sa akin ng chance na ipakita yung talent ko sa mga tao at iyon ang tignan nila at hindi yung mga controversy na nagdaan sa buhay ko," sabi niya.
Bukod sa mga natutunan,mas napalapit si Kice sa kanyang mga minamahal dahil sa kompetisyon.
"Yung family ko from all over the world, they connected even mga family members ko na hindi ko kilala, naglalabasan lang because they watch me," pagbabahagi niya.
Para naman kina Ann at Bryan, mas nakakuha sila ng kompyansa para ipagpatuloy ang galing sa pagkanta dahil sa kompetisyon na nagtiwala sa kani-kanilang talento.
Nitong Linggo (Set. 25), nasaksihan ng manonood ang unang pagtapak ng lima sa stage ng "ASAP Natin To." Available na rin sa Spotify ang original songs ng Top 5 na"My Time" ni Khimo, "Totoo Na 'To" ni Ryssi, "Angels" ni Kice, "Sa Wakas" ni Bryan Chong, at "Power" ni Ann Raniel.