News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, MLD Entertainment at Kamp Korea Inc., nagsanib-pwersa sa paghahanap ng bagong global pop group sa "Dream Maker"

September 07, 2022 AT 11 : 20 AM

Magsasanib pwersa ang Starhunt ng ABS-CBN, ang Korean talent agency na MLD Entertainment, at ang Kamp Korea Inc. para sa “Dream Maker,” isang talent search para sa pinakabagong global pop group ng bansa.

 

Ayon sa Head ng ABS-CBN TV Production at Star Magic na si Laurenti Dyogi, "We are getting serious in getting to the international arena. We are looking at all ways and means to get Filipino artists and Filipino talents to be recognized globally. We are happy to have partners who recognize Filipinos are talented and we can compete globally."

 

Para naman sa CEO ng MLD Entertainment na si Lee Hyoungjin, "It's a natural mix between ABS-CBN, MLD, and Kamp. Because ABS-CBN has the infrastructure, resources, and history in the Filipino market, combined with MLD Entertainment's K-Pop know-how and Kamp Global's global network know-how, it was quite a natural combination."

 

Naniniwala rin siya na posibleng maging next global phenomenon ang Pinoy-pop kasunod ng K-pop lalo na sa kanilang pagsasanib-pwersa para mahanap ang mga susunod na iidolohin ng buong mundo.

 

"I have seen so much talent in the P-pop side and just girls and boys who love to sing and dance. As K-Pop has become a global phenomenon, I believe that P-pop is the next," dagdag niya.

 

Pitong kabataang nangangarap makilala sa buong mundo at may tsansang magdebut sa Korea ang hahanapin ng Dream Maker, ang pinakabagong idol survival competition show sa bansa.

 

Nagbahagi naman ang CEO ng Kamp Korea Inc. na si Tim Kim ng mga hinahanap nilang katangian sa nasabing bagong male pop group.

 

"The X-factor and talent are definitely something we're looking for. More importantly, we are looking for a P-pop group, but we're looking for a global group. A global mindset and being a global citizen is another factor that we're looking for," saad niya.

 

Bukod sa pagde-debut sa Korea, maswerte rin ang mananalo sa kompetisyon dahil tiyak na marami silang matututunan mula sa pagsasanay nila kasama ang ilang Korean idols at mentors pati na rin ang ilang world-class Filipino mentors.

 

Simula ngayong weekend, magbubukas ang Starhunt sa tulong ng ilang partner malls ng physical at online auditions via forms.abs-cbn.com/starhunt para sa male contestants na may edad 13-22 anyos at may talentong kumanta, sumayaw o di kaya magrap. Sugod na sa Market Market ngayong Setyembre 10 at Ayala Fairview Terraces sa Setyembre 11 mula 10AM hanggang 4PM at ipakita ang inyong angking talento. 

 

Abangan ang pagsisimula ng "Dream Maker" soon sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa show at listahan ng venues para sa physical auditions, bisitahin ang social media accounts ng Starhunt.