News Releases

English | Tagalog

Mga palabas at pelikula ng ABS-CBN, nanguna sa apat na streaming platforms, primetime TV, at movie box office

October 17, 2023 AT 03 : 37 PM

“FPJ’s Batang Quiapo” at “A Very Good Girl,” patuloy na umaarangkada
 

Patuloy na binibihag ng ABS-CBN, ang nangungunang content provider ng bansa, ang mga puso ng mga manonood sa iba't ibang platform sa buong mundo dahil sa mga palabas at pelikula nito na numero uno sa major streaming sites, local primetime TV, at Philippine movie box office.

Nangunguna ang mga serye ng ABS-CBN na "Can't Buy Me Love," "Linlang," "Unbreak My Heart," at "Senior High" sa streaming platforms na Netflix, Prime Video, Viu, at iWantTFC.

Patok ang "Can't Buy Me Love,” na pinagbibidahan ng New Gen Love Team na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano, sa mga Netflix subscriber dahil top one ito sa listahan ng Top 10 TV shows in the Philippines sa Netflix. Nakakuha rin ng 454,413 concurrent views ang pilot episode nito sa Kapamilya Online Live.

Nananatili rin ang thriller drama serye na "Linlang," na pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Kim Chiu, at JM De Guzman, bilang most watched TV series sa Prime Video Philippines pagkatapos ng matagumpay na debut nito noong Oktubre 5.

Samantala, hawak pa rin ng “Unbreak My Heart,” nina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, Richard Yap, at Gabby Garcia, ang numero unong pwesto sa Hottest Filipino Drama chart sa Viu.

Pinakapinapanood rin ang mystery family drama show na “Senior High,” na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla at iba pang Kapamilya Gen Z artists, sa iWantTFC.

Sa kabilang banda, nangibabaw pa rin ang “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin sa rating charts sa primetime TV, na nagtala ng average national TV ratings na na 25.2% noong Oktubre 9 hanggang 13, sakop ang urban and rural na kabayahan, ayon sa Kantar Media.

Nakakamit rin ng bagong milestone ang “A Very Good Girl” ng Star Cinema, na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Dolly De Leon, dahil kumita na ito ng mahigit P100 milyon sa ikatlong linggo nito sa takilya. Matapos ang matagumpay nitong Hollywood premiere, napapanood pa rin ito sa mga sinehan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Patuloy ang ABS-CBN, ang nangungunang content provider ng bansa, sa pagdadala ng world-class na mga kwentong Filipino sa iba't ibang platform sa mas maraming audience bilang isang storytelling company.

Para sa iba pang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, X (dating Twitter), Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE