News Releases

English | Tagalog

"Nasa Alapaap ang Paraluman" ni JEL REY, tungkol sa mapait na pag-ibig

October 05, 2023 AT 01 : 54 PM

Inspired ng mga kanta ng Eraserheads

Kalungkutan na dala ng paglisan ng minamahal ang itinampok ng Star Pop artist na si Jel Rey sa kanyang bagong awitin na “Nasa Alapaap Ang Paraluman.”


Isinulat ni Jel Rey ang awitin habang iprinodyus naman ito ni Star Pop label head Roque “Rox” Santos.

“Taong 2020 no’ng nasulat ko yung song na ito. Ito rin yung tinatawag ko na 3am thoughts. Dahil nag-spark yung idea ng 3am tapos hindi ako makatulog,” saad niya.

Dagdag pa rito, naging inspirasyon din ni Jel Rey sa pagsulat ng awitin ang hit songs ng Eraserheads na “Alapaap” at “Ang Huling El Bimbo."

“Kinuha ko yung gitara ko at nag-jam ako. Kinakanta ko yung mga songs ng Eraserheads na ‘Alapaap’ at ‘Ang Huling El Bimbo.’ Bigla ko na lang naisip na what if gumawa ako ng song na may word na ‘alapaap’ at ‘paraluman.’ Do’n ko na-create yung sentence na ‘Nasa Alapaap ang Paraluman,’ parang ang interesting niyang gawan ng kanta,” kwento niya.

Nagsimula si Jel Rey sa pag-uupload ng song covers hanggang sa nahikayat siya ng kanyang mga kaibigan na sumulat din ng mga kanta matapos makasama sa isang live gig. Sa ngayon, ibinabahagi niya ang kanyang musical journey sa TikTok na umani na ng mahigit 440,000 likes.

Nitong Hunyo, naging ganap siyang recording artist nang inilunsad niya ang kanyang debut single na “hele pono.” Ilan sa kanyang mga hinahangaan na OPM icons ay sina Ely Buendia at Rico Blanco.

Damhin ang emosyon ni Jel Rey sa bagong awitin na “Nasa Alapaap Ang Paraluman” na napapakinggan sa iba’t ibang music streaming platforms. For more details, follow Star Pop on Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok

For updates, follow @abscbnpr on Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok, or visit www.abs-cbn.com/newsroom.