News Releases

English | Tagalog

Ano nga ba ang kwento sa likod ng mga iconic ABS-CBN Christmas Station ID?

November 30, 2023 AT 10 : 54 AM

Bernadette, makakatanggap ng maagang pamasko ngayong Linggo

 

Makikikantahan ang reporter na si Anjo Bagaoisan kasama ang head ng Creative Communication Management na si Robert Labayen, ang utak sa likod ng mga sikat na ABS-CBN Christmas Station ID, sa “Tao Po” ngayong Linggo (Disyembre 3).

Tutugtog si Anjo ng piano at si Robert naman sa saxophone habang magkukwentuhan sila tungkol sa paggawa ng "Star ng Pasko" noong 2009, ang kalagayan ng bansa matapos ang pananalasa ng Bagyong Yolanda sa "Magkasama Tayo sa Kwento ng Pasko" noong 2013, at "Ikaw ang Liwanag at Ligaya" sa panahon ng pandemya noong 2020.

Makikilala rin ni Bernadette Sembrano ang crochet artist na si Regine Rosca, na nagsimula sa paggawa ng belen gamit ang mga cute na manika ngayong holiday season. Ibabahagi rin ni Regine kung paano nasusustento ng kanyang maliit na negosyo ang kanilang pamilya at kung paano siya nito tinutulungan sa pagharap sa mga hamon sa buhay. Bibigyan din niya si Bernadette ng regalo.

Samantala, itatampok ni Kabayan Noli de Castro ang mekaniko na si Juan Briza, na isinilang na walang isang kamay at isang paa. Ibabahagi ni Juan kung paano siya nagsimulang magkaroon ng interes sa automotive noong bata pa siya hanggang sa pagiging ganap na mekaniko sa ibang bansa.

Huwag palampasin ang mga kapana-panabik na kuwento na ito ngayong Linggo (Disyembre 3) sa "Tao Po" tuwing 2:15 ng hapon sa A2Z at 6:15 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at ABS-CBN News Online.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.    

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE