Bagong kakampi o kalaban?
Ginulat ng Kapamilya aktor na si Ejay Falcon ang manonood sa kanyang pagpasok bilang bagong karakter sa panghapong serye na “Nag-Aapoy Na Damdamin.”
Ginagampanan ni Ejay ang misteryosong papel ni Elias na may malalim na koneksyon sa mga Buencamino. Sa kanyang unang paglitaw sa serye noong Martes (Disyembre 5), iniligtas niya si Olivia (Jane Oineza) mula sa kidnapping na iniutos mismo ni Victoria (Maila Gumila).
Naintriga naman ang manonood sa pagpasok ni Ejay sa serye kung kakampi o kalaban ba ito at kung ano ang magiging papel niya sa buhay ni Olivia.
“Curious ako kung ano magiging role ni Ejay dito? Kakampi ba siya o kalaban?” ani @jsv_thewarrior sa X.
“Ang ganda na! Magtutulungan na si Elias at Olivia laban sa mga Buencamino plus isali pa natin si Philip! Mas masakit na maningil ang karma!” saad ni @alifahlidya.
“Si Elias na ba ang bagong hero ni Olivia? Grabe ang daming twists ng kwento at hindi talaga ma-predict kung ano yung mga susunod na mangyayari,” komento naman ni @dieth0509.
Samantala, determinado pa rin si Philip (JC De Vera) na muling makuha ang tiwala ni Olivia at mailayo ito mula kay Lucas (Tony Labrusca) na siyang ama ng ipinagbubuntis ni Melinda (Ria Atayde).
Huwag palampasin ang nagbabagang emosyon sa "Nag-Aapoy Na Damdamin" mula Lunes hanggang Biyernes, 3:15pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.
Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa
Facebook,
X (Twitter) (@JRBcreativeprod),
Instagram (@JRBcreativeproduction), at
TikTok (@jrbcreativeprod).
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
X (Twitter),
Instagram, at
Tiktok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.