Unkabogable Star, naghudyat ng bagong season
Nagpahayag ng pasasalamat ang host na si Vice Ganda sa tagumpay ng “Everybody, Sing!” Season 2 sa finale episode nito noong Linggo (Pebrero 19).
“Maraming salamat po sa pagbibigay sa amin ng tyansang makapag-share ng blessings, maka-touch ng buhay. Salamat, Lord, at ginawa mo kaming instrumento sa pagbibigay ng serbisyo sa mga kababayan namin,” sabi niya.
Binanggit din niya ang mga naging kalahok o "songbayanan" na nagbahagi ng kanilang mga kwento ng pag-asa at inspirasyon.
"Salamat po sa mga contestants namin na nag-share ng istorya nila po nila na masasaya, pinagdaanan, karanasan, mga lungkot nila. Lord God, thank you for this wonderful chance, this program is such a beautiful gift na lagi po naming ipagpapasalamat,” she expressed.
Para sa finale episode, nanalo ng P1 milyon na jackpot prize ang songbayanan ng mga mag-ex at magkasintahan. Bagama't nahirapan silang hulaan ang dalawang natitirang kanta sa "Everybody GuesSing?" round, matagumpay nilang natapos ang laro na may natitira pang 27 na segundo.
Bukod sa kanila, ang iba pang nagwagi na nag-uwi ng P1 milyon na jackpot prize ay mga beautician, empleyado ng bangko, gas station attendant, at mga bartender.
Nag-trending din ang Unkabogable Star, na kamakailan lang ay pumirma ng kontrata sa ABS-CBN, para sa kanyang mga pambihirang outifit sa bawat episode, na iniayon niya sa trabaho o klasipikasyon ng mga “songbayanan.”
Samantala, bago mamaalam sa ere ang “Everybody, Sing!”, ipinakita ng programa ang posibilidad ng panibagong season.
Orihinal na konsepto ng ABS-CBN ang community singing game show na “Everybody, Sing!” na naging nominado sa Venice TV Awards at Asian Academy Creative Awards noong 2021. Kinilala rin si Vice bilang Best Entertainment Host sa Asian Academy Creative Awards para sa kanyang kahusayan sa"Everybody, Sing!"