News Releases

English | Tagalog

Carlo Bautista, may hugot sa kanyang self-titled debut album

March 13, 2023 AT 01 : 13 PM

Carlo Bautista releases his debut album featuring some of his OPM remakes and a new original song "Tayong Dalawa."

Bagong single na “Tayong Dalawa” mapapakinggan na

Inilabas na ng singer-songwriter na si Carlo Bautista ang kanyang self-titled debut album tampok ang remake niya ng ilang OPM favorites pati na rin ang kanyang orihinal na awitin na “Tayong Dalawa.”

“Napili ko yung mga song na sa tingin ko at sa tulong ng Star Music ay mabibigyan ko ng bagong kulay. Sobrang happy and proud ako sa tunog and excited na marinig ng nakakaraming Pinoy,” ani ni Carlo.

Kasama sa album ang mga nailabas na niyang awitin na “Hiling,” “Walang Iba,” “Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong,” “Puro Laro,” at “Kwarto” (Stripped).

Samantala, isinulat naman ni Carlo ang kantang “Tayong Dalawa” na nagpapakita ng tamis at kilig na dala ng pag-ibig. Iprinodyus ito ni Eunice Evangel Jorge at Velvet Playground.

“Yung ‘Tayong Dalawa’ is already a 10-year-old song and sinulat ko ito dahil sa experience ko sa pag-ibig na ano man ang gawin ko lagi ko siyang iniisip at palagi kong gusto makasama yung taong mahal ko kahit wala sa tabi ko,” saad ni Carlo.

Nagsimula ang musical journey ng pop-alternative artist sa pag-awit ng mga demo para sa mga hitmakers tulad ni Gary Valenciano at pagpe-perform sa mga bars, kasal, at iba’t ibang okasyon. Naging bahagi rin siya ng singing competition na “Tawag ng Tanghalan” noong 2018. Matapos sumali sa “Idol Philippines,” naglabas si Carlo ng iba’t ibang singles tulad ng “Kwarto” at “Puro Laro” na naging bahagi ng soundtrack ng IWantTFC series na “Mga Batang Poz” noong 2019.

Pakinggan ang hugot ng kanyang self-titled debut album na available sa iba’t ibang digital music platforms at panoorin ang official music video ng “Tayong Dalawa” sa ABS-CBN Star Music YouTube channel. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.


 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE