News Releases

English | Tagalog

Coco pinalaya na si Charo sa "FPJ's Batang Quiapo"

March 23, 2023 AT 08 : 36 AM

Will Tanggol turn his back on his vices? Will Ramon be successful in finding Tanggol?

Nakalaya na sa wakas si Tindeng (Charo Santos) mula sa pagkakabilanggo pagkatapos siyang piyansahan ng apo niyang si Tanggol (Coco Martin) sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Dahil kulang-kulang ang kanyang pera, naging desperado si Tanggol na maka-ipon ng pera na pang piyansa sa kanyang lola kaya napilitan siyang nakawan si Roda (Joel Lamangan), ang mapangabusong landlord na kaaway ni Tindeng kaya ito nakulong. 

Nangako na sana si Tanggol sa kanyang sarili na titigilan na niya ang pagnanakaw pero mukhang mahihirapan siyang tuparin ito. Miserableng-miserable na kasi siyang maka-ipon para bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya ngunit mas lalo lang lumalaki ang hidwaan niya sa mga magulang niyang sina Marites (Cherry Pie Picache) at Rigor (John Estrada). 

Samantala, totodohin na ni Ramon (Christopher de Leon), ang totoong ama ni Tanggol, ang paghahanap niya sa nag-iisa niyang anak. Pinapalakas na ni Ramon ang kanyang mga iligal na negosyo dahil plano niya itong ipamana lahat kay Tanggol kapag nag-krus na ang kanilang mga landas. 

May pag-asa pa kayang magbagong buhay si Tanggol? Magtatagumpay ba si Ramon sa plano niya kay Tanggol?

Gabi-gabing tinutukan ng mga manonood ang "FPJ's Batang Quiapo" pagkatapos itong makakuha ng 289,337 live concurrent views sa Marso 21 na episode. Nakapagtala na rin ang serye ng higit 44 milyong total online views para sa pilot week noong Pebrero. 

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng ““FPJ’s Batang Quiapo.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE