News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN nanalo ng 29 na parangal sa 4th Village Pipol Choice Awards

March 31, 2023 AT 04 : 17 PM

“An Inconvenient Love” panalo bilang Movie of the Year

 

Nakatanggap ang mga palabas at personalidad ng ABS-CBN ng 29 na parangal sa iba't ibang kategorya sa entertainment at negosyo sa 4th Village Pipol Choice Awards noong Miyerkules (Marso 29.)

Nagwagi ng limang parangal ang comeback movie ng Star Cinema na “An Inconvenient Love,” na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, kabilang na ang Movie of the Year. Nanalo bilang Movie Actor of the Year, Movie Actress of the Year, at Supporting Movie Actor of the Year ang mga miyembro ng cast na sina Donny, Belle, at JC Alcantara, habang tinanghal naman na Movie Director of the Year si Petersen Vargas.

Bukod dito, kinoronahan din ang DonBelle at ang kanilang mga tagahanga na "Bubblies" bilang Loveteam of the Year at Fandom of the Year. Samantala, binigyan naman ng special award si Belle bilang Headliner of the Year.

Nanalo naman ng tatlong parangal ang hit series na “2 Good 2 Be True” at ang leading stars nitong sina Daniel Padilla at Kathyrn Bernardo, kabilang ang TV Series of the Year, TV Actor of the Year, at TV Actress of the Year.

Patuloy na pinatutunayan ni Vice Ganda ang kanyang kahusayan sa pagho-host nang siya ay tinanghal na TV Host of the Year para sa “It’s Showtime.”

Tinanghal naman na News Program of the Year ang flagship show ng ABS-CBN News na “TV Patrol,” habang kinilala sina Karen Davila at MJ Felipe bilang News Anchor of the Year at News Reporter of the Year.

Ilang Kapamilya artists at personalidad din ang nakatanggap ng mga parangal sa iba't ibang kategorya, kabilang sina Anji Salvacion (Promising Female Star of the Year), KD Estrada (Promising Male Star of the Year), Kaori Oinuma (TV Supporting Actress of the Year), BGYO (Group Performer of the Year), Kaila Estrada (Breakthrough Social Media Star), Sharlene San Pedro (Female TikTok Face of the Year at Online Streamer of the Year), Lapillus (KPOP Act of the Year), Karen Bordador (VP/Xclusives Cover of the Year) at Francine Diaz (VP/Cover of the Year).

Kabilang sa iba pang mga nanalo mula sa ABS-CBN ang “Flower of Evil” (KDrama Adaptation Series of the Year), iWantTFC (Video Streaming Service of the Year), at “Amakabogera” ni Maymay Entrata (Viral TikTok Video of the Year).

Ang VPCA, na inorganisa ng Village Pipol Magazine, ay naglalayong kilalanin ang pinakamahusay mula sa mga industriya ng paglalakbay, pamumuhay, teknolohiya, negosyo, at entertainment.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.