Mga kaalaman sa balita, musika, TV, at film restoration, ibabahagi
Magpapatuloy ang ABS-CBN sa pagbahagi sa mga estudyante ng mahahalagang kaalaman tungkol sa media industry sa pamamagitan ng hybrid Pinoy Media Congress ngayong Abril at Mayo.
Isasagawa ang Pinoy Media Congress, kasama ang Philippine Association of Communication Educators (PACE), sa Cavite State University sa Abril 29 at magpapatuloy sa University of the Philippines Mindanao sa Mayo 6, kung saan sasama sa online event ang iba pang mga estudyante mula sa mga unibersidad sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Gagawin ang online sessions sa Abril 29 at Mayo 6 sa pamamagitan ng Zoom, sa tulong ng University of the Philippines Los Baños.
Matututo ang mga estudyante mula sa mga de-kalibreng media professionals na sina ABS-CBN Music head Roxy Liquigan, ABS-CBN Film Restoration head Leo Katigbak, “Dirty Linen” head writer Kay Brondial, at ABS-CBN News’ chief of reporters Jeff Canoy.
Magiging ispiker din sina Dr. Rosario Ruby Roan-Cristobal, ang executive producer at program anchor ng Radyo Henyo/DZRH, at Val Vestil, co-founder at executive director ng Association of Young Environmental Journalists.
Para sa iba pang detalye, sundan ang @ABSCBNPMC sa Facebook. Para sa iba pang balita, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom