News Releases

English | Tagalog

10 lalaki, hahanapin ang kanilang spark sa "Sparks Camp"

May 26, 2023 AT 08 : 53 PM

Sampung lalaki ang isusugal ang kanilang kapalaran para mahanap ang kani-kanilang sparks sa pinakabagong queer dating reality show ng bansa na "Sparks Camp" na mapapanood na sa Mayo 24 (Miyerkules).

 

Umani na nga ng lampas tatlong milyong views ang kanilang unang pasilip tungkol sa bagong series ng Black Sheep. Ang "Sparks Camp" ay ididireheniacclaimed TV at movie director at story editor na si Theodore Boborol. Gagamitin ni Direk Ted angkaranasanniya sa "PBB," "MMK," at "Ipaglaban Mo" para ilapit ang buhay ng campers sa manonood.

 

Si Patrick Valencia na lumikha na rin ng ilang sikat na queer stories tulad ng "Hanging Out," "The Third Party," at“Hello Stranger”mini-series at si Daniel Saniana ng "Sila-Sila" ang magsisilbing writers ng show.

 

Samantala angLGBTQIA+icon na si Mela Habijan ang magsisilbing 'Mother Sparker' ng palabas.Panoorinkung paano niya dadalhin ang pagiging aktibo niya sa pangangalaga ng karapatan ng LGBTQIA+ sa show. Sakasalukuyan, napapanood siMelasa sarili niyang digital show na "3Some," TikTok series na "Mahalagang MELAman Mo," at YouTube content na "All Things T."

 

Sa isang outdoor camp, magsasama-sama sina Dan, Nick, Gabe, Justin, Stanley, Karl, Aaron, Alex, Bong, at Nat para kilalanin ang isa't isa at hanapin ang bagong taong posibleng magpasaya ng kanilang buhay.Dadaan sila sa iba't ibang challenges at games para ma-test ang kanilang chemistry at mabuo ang bond nila sa isa't isa.

 

Alamin kung sinu-sino kaya ang uuwing luhaan o kung sino sa kanila ang makakahanap ng ka-spark sa loob ng camp?

 

Parte ng Made for YouTube ng ABS-CBN, mapapanood ang "Sparks Camp" tuwing Miyerkules sa YouTube channel ng Black Sheep.