Bidang-bida ang inyong mga popshie sa ASAP stage, tampok ang special Father's Day tribute ng pangmalakasang OPM stars, at iba pang world-class performances ngayong Linggo (Hunyo 18) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Bilang pagdiriwang sa Father's Day, maantig sa vocal tribute nina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Nina, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."
May pa-sorpresa rin sa mga popshie ang kinagigiliwan ninyong "Isip Bata" kids, tampok ang new single performance ni Imogen kasama sina Argus, Kulot, Jaze, at Lucas.
Sanib-pwersa naman ang paborito ninyong classic at current hits sa mash-up kantahan at sayawan nina Vina Morales, Janella Salvador, Seth Fedelin, Edward Barber, Joao Constancia, Karina Bautista, Krystal Brimner, "Tawag ng Tanghalan" biriteras na sina Jezza Quiogue at Nowi Alpuerto, "It's Showtime's" Hashtags at Baby Dolls, pati P-Pop acts na BINI at Calista, at ang buong ASAP family with Robi Domingo.
Umulan man o umaraw, iinit pa rin ang ASAP stage sa tapatan ng paborito ninyong dance idols na sina Maymay Entrata, AC Bonifacio, at Shaina Magdayao, habang hindi rin papahuli ang total performance pasabog ni Darren.
Maliban sa Father's Day, maki-party rin sa pa-birthday blowout ng Kapamilya heartthrob na si Kyle Echarri.
Abangan naman ang all-crooner kantahan nina Martin Nievera, Jason Dy, JM Yosures, Reiven Umali, Sam Mangubat, Bryan Chong, Arman Ferrer, at Jex de Castro, pati ang collab ng up-and-coming band na Dilaw kasama ang OPM power couple na sina Ogie at Regine.
At huwag ding palampasin ang fresh-na-fresh na all-champions biritan nina Angeline Quinto, Jed Madela, Jona, Lyka Estrella, Fana, Janine Berdin, Khimo Gumatay, JM Yosures, Lucas Garcia, Katrina Velarde, Frenchie Dy, at Sheryn Regis.
Lahat ng ito, para sa inyo at sa mga minamahal ninyong ama mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, “ASAP Natin ‘To,” ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.