AC Bonifacio exudes strong and independent woman energy in her newest single "4 Myself."
New gen dance princess, bahagi na ng Tarsier Records
Independence at self-love ang sigaw ng new gen dance princess na si AC Bonifacio sa kanyang bagong single na "4 Myself."
Laman ng upbeat pop track ang pagbibigay halaga sa independence ng isang tao. Isinulat ni AC ang awitin katulong sina ABS-CBN creative director Jonathan Manalo, Jeremy G, at BGYO member Nate Porcalla.
“The inspiration of ‘4 Myself’ came from my previous single, ‘Fool No Mo.’ It has the same female empowerment message that I really want to put out there. It's a song that gives you the confidence and power to get through everything you're going through. It's a reminder that 'kaya mo yan!'” ani AC.
Una naman niya itong inawit sa naganap na Star Magic All-Star Games noong Mayo 21 sa SM MOA Arena.
Bilang recording artist, nakapaglabas na siya ng iba't ibang singles tulad ng "Sumayaw, Sumaya,” “Slide Into My DM,” at “Fool No Mo.” Ang "4 Myself" ay ang una niyang single sa ilalim ng Tarsier Records.
Bukod sa kanyang musika, kilala rin si AC bilang kauna-unahang grand champion ng "Dance Kids" kasama si Lucky Ancheta. Noong 2017, napanood siya bilang isa sa performers ng "Your Face Sounds Familiar" kung saan nasungkit niya ang ikatlong pwesto. Nagpakitang gilas din si AC sa international scene nang ma-feature siya sa “The Ellen Degeneres Show” at sa hit American series na “Riverdale” bilang isa sa Star Vixens noong 2021. Binigyang buhay naman niya ang karakter ni Cadence sa youth-oriented musical series na "Lyric and Beat" noong nakaraang taon. Sa kasalukuyan, isa siya sa regular performers ng musical variety show na “ASAP Natin ‘To.”
Makisayaw sa tinig ng "4 Myself" na napapakinggan na sa iba't ibang streaming platforms at panoorin ang lyric video nito sa Tarsier Records YouTube channel. Para sa ibang detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.