Pinakabagong episodes sa Kapamilya Online Live mababalik-balikan nang libre
Masusubaybayan na ng mas maraming Kapamilya sa labas ng Pilipinas ang mga programa ng ABS-CBN dahil available na ang Kapamilya Online Live nang live at on-demand sa Japan, Hong Kong, at Singapore sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.
Libreng regalo ito ng ABS-CBN bilang pasasalamat sa mga manonood na patuloy na sumusuporta sa kanilang mga palabas matapos na makakuha ang Kapamilya Online Live ng higit 251 milyon views para sa primetime shows nito noong Mayo.
Matututukan ng mga Pinoy sa Japan, Hong Kong, at Singapore ang mga paborito nilang Kapamilya teleserye nang live, kasabay ng pag-ere ng mga ito sa Pilipinas. Ilan sa mga programang available nang live at on-demand ay ang “FPJ’s Batang Quiapo,” “The Iron Heart,” "Dirty Linen," at “It’s Showtime.”
Pwede ring magbinge-watch ng ibang mga palabas na siksik sa good vibes tulad ng variety show na “ASAP Natin ‘To” at ang musical game show na “I Can See Your Voice." Nasa Kapamilya Online Live rin ang ilan sa mga pinakaminamahal na Kapamilya teleserye kagaya ng "Ang Sa Iyo Ay Akin," "Be Careful with My Heart," "Since I Found You," "La Luna Sangre," at "Home Along Da Riles."
Napapanood ang Kapamilya Online Live sa lumalaking komunidad ng ABS-CBN Entertainment YouTube channel na mayroong 44 milyong subscribers – ang pinakamarami sa Southeast Asia.
Mae-enjoy ang Kapamilya Online Live kapag nag-subscribe sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.