News Releases

English | Tagalog

Jel Rey, naglunsad ng kanyang debut single na "hele pono"

July 12, 2023 AT 03 : 16 PM

Nakabuo ng awitin dahil sa LDR 

Matinding pananabik sa minamahal ang ibinahagi ng baguhang singer-songwriter na si Jel Rey sa kanyang unang single na "hele pono."
 
“‘hele pono’ stands for ‘hinehele sa telepono.’ I started writing this song when my long-distance girlfriend and I were having a video call, remembering our times together before I went to sleep. Suddenly, I said, ‘Alam mo yung labi mo para na siyang lugar na 'di ko pa napupuntahan,’ and she told me it was a great lyric idea,” saad niya.
 
Regular na ibinabahagi ni Jel Rey ang kanyang musika at pagsulat ng mga awitin sa Tiktok na meron ng mahigit 400,000 likes. Ilan sa kanyang musical influences ay ang Queen, Rex Orange County, Eraserheads, Joji, Rico Blanco, IV of Spades, Juan Karlos, Gloc9, Loonie, at Flow G.
 
Ibinahagi rin ng bagong Kapamilya artist na mabilis niyang naisulat ang awiting “hele pono” dala ng kanyang inspirasyon sa pag-ibig habang iprinodyus naman ito ng Star Pop label head Rox Santos.
 
"Yung kanta na 'to ang pinaka favorite ko at proud ako na nasulat ko siya. Ito rin yung song na nasulat ko nang mabilis. I wrote the words and melodies ng isang upuan lang siguro inspired talaga ako no'ng time na 'yon," kwento niya.
 
Umarangkada ang musical journey ni Jel Rey sa pagsali sa iba't ibang singing competition at nagsimula siyang magsulat ng original songs noong nasa kolehiyo pa lamang siya. 
 
"I love music dahil gusto ko yung nakikita kong reaction ng mga tao when I perform. When I make them happy, sad, or even dance. Nakaka-fulfill [iyon] bilang isang performer," aniya.
 
Pakinggan ang unang single ni Jel Rey na "hele pono" na available sa iba't ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok.
 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE