Pang-international ang hatid na kilig ng kinagigiliwang Kapamilya loveteams na KathNiel at DonBelle dahil napapanood ngayon abroad ang dalawa sa pinag-uusapang romance serye ng ABS-CBN na "2 Good 2 Be True" sa Vietnam at "He's Into Her" sa Africa.
Matapos ang matagumpay nitong pag-arangkada sa primetime nitong 2022, umaariba ngayon sa Vietnam ang Vietnamese-dubbed version ng "2 Good 2 Be True" nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, gabi-gabi sa pay TV channel na ONCINE.
Bago pa man ito umere sa Vietnam, naging matindi ang pagtanggap nito mula sa mga manonood sa Pinas matapos itong patuloy na mag-trending sa social media at manguna bilang most watched TV show sa Netflix Philippines. Dahil din sa kanilang pagganap bilang Eloy (Daniel) at Ali (Kathryn), napasama sila sa mga nominado bilang Outstanding Asian Artist sa Seoul International Drama Awards 2023 (SDA), kung saan nagwagi si Kathryn sa nasabing kategorya.
Samatala, umarangkada na rin ang hit digital series na "He's Into Her" na kasalukuyang napapanood sa 41 na bansa sa Africa, kabilang ang Nigeria, Ivory Coast, at Mozambique sa StarTimes channel—kung saan din umere ang ilang hit Kapamilya serye tulad ng "La Luna Sangre," "La Vida Lena," at long-running action teleserye na "FPJ's Ang Probinsyano."
Pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at kauna-unahang Pinay SDA Outstanding Asian Artist winner na si Belle Mariano, kinilala ang "He's Into Her" bilang most watched show sa iWantTFC at sunod-sunod na nag-trend sa Twitter ang pakilig nina Max (Belle) at Deib (Donny). Dahil din sa kasikatan ng serye ay nagkaroon ito ng sold-out concerts.
Patunay lamang ito na tinatangkilik saan mang sulok ng mundo ang mga programa ng ABS-CBN, kung saan nakapagbenta ito ng mahigit 50,000 hours ng content sa 50 na bansa sa Asya, Africa, Europa, at Latin America.
Bisitahin lamang ang https://www.abs-cbn.com/internationalsales/about para sa karagdagang detalye patungkol sa ABS-CBN International Distribution.
Para sa iba pang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.