What is it like to be a Philippine pop culture icon?
That is what Jolina Magdangal shares with Bernadette Sembrano as she sits down with the Kapamilya journalist to talk about her unique style that 90s kids followed up to her transition into becoming a momshie to kids Pele and Vika in “Tao Po” this Sunday (Jan 14).
Ano kaya ang feeling na mabansagan na Philippine pop culture icon?
Ito ang
ibabahagi ni JolinaMagdangal kay Bernadette Sembrano sa kanilang heart-to-heart tungkol sa kanyang pagiging artista, asawa, at ina kina Pele at Vika sa “Tao Po” ngayong Linggo (Enero 14).
Ikukuwento rin ni Jolina kung paano niya nagampanan ang iba’t ibang papel sa pagigng artista, ang kanyang pagiging fan girl kay Madonna, at ano ang posibleng ending para sa kanyang karakter na si Ese sa hit teen-oriented show na “Gimik” kung sakaling magkaroon man sila ng movie reunion.
Itatampok naman ni Kabayan Noli de Castro ang kapwa deboto ng Itim na Nazareno na si Aileen Noveda-Veloso na mula rin sa isang pamilya ng mga deboto ng Poon. Madamdaming ilalahad ni Aileen kung paano nalagpasan ng kanyang pamilya ang pagsubok noong 2020 nang ma-diagnose ang kanyang ina ng cancer at kung paano siya nakaranas ng isang Milagro sa loob ng Quiapo church noong pista ng Nazareno.
Samantala, tutungo naman sa Batangas City ang Kapamilya reporter na si Andrea Taguines para bisitahin si Fely Lafuente, isang collector. Bubuksan ni Fely ang kanyang tahanan para sa viewers ng “Tao Po” para ipakita ang kanyang nakakamanghang koleksyon ng Hello Kitty merchandise, Starbucks mugs, Funko Pop items, at marami pang iba.
Panoorin ang mga kwento ng pag-asa at inspirasyon na ito ngayong Linggo (Enero 14) sa “Tao Po” tuwing 2:15 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, ABS-CBN News YT Channel, at sa
news.abs-cbn.com.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.